36 ... Yes or No?

110 2 0
                                    

Kahit alam ko na ang gagawin ni Lhiam dahil nga sa sinabi ni Zero kanina ... hindi ko pa rin ineexpect na ganito kabilis ang mga pangyayari.

"So will you marry me twinkle?"- Lhiam

Madali lang naman kasing magsabi ng"yes" lalo na't gusto ko ng revenge. Kaso bakit hindi ako makasagot kaagad at walang lumalabas na salita sa bibig ko. Ito na yung gusto ko. Ano bang nangyayari sakin?

"Twinkle, are you ok?"

I nodded.

"Twinkle kung hindi ka pa ready ok lang naman sakin saka hindi naman kita minamadali. Kung kailan ka na lang ready saka ka na lang sumagot. Maghihintay na lang ako sa sagot mo."

Hindi! Kailangan kong makapaghiganti kay Zero. I need Lhiam for my plan. Kaya ...

"Yes, I will marry you Lhiam"

Nagulat naman ako sa reaksyon ni Lhiam. Mukhang hindi niya rin kasi inaasahan na sasagot ako kaagad.

"Are you sure Twinkle?"

"Bakit ayaw mo ba? Babawiin ko na lang!"

"No .. no I'm happy. Thank you so much for accepting my love for you twinkle"

Nagulat na lang ako ng bigla niya akong niyakap.

"Salamat talaga. I love you so much twinkle"

Habang naghihintay kami ni Lhiam ng dessert namin, nagpunta muna ako ng comfort room.

Habang naglalakad ako papunta ng CR... may napansin akong familiar na sasakyan na nakapark sa labas ng restaurant.

"Sasakyan ba yun ni Zero?"

Sumilip ako sa Glass Door ng restaurant pero hindi ko maaninag kung may tao ba sa loob ng sasakyan.

"Amp! Bahala na nga siya"

Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad papunta ng CR ng may makasalubong akong lalaki na naka-shades at mukhang nagmamadali.

Lumingon ako sa direksyon niya at napahinto ang lalaki sa paglalakad pero hindi siya tumitingin sakin.

Biglang tumibok ng pagkalakas-lakas ang puso ko ng makita ko ang likuran ng lalaking nasa harapan ko at isang lalaki lang naman ang dahilan kung bakit ganito kabilis ang heartbeat ko. Si Zero.

Alam kong siya yan. Sa tindig palang niya alam kong si Zero ang nasa harapan ko.

Nakahinto pa rin siya sa harapan ko pero hindi siya lumilingon sakin. Ilang segundo rin siyang nakatayo doon ng magsalita na siya ...

"I always wish for your happiness twinkle ... "

At pagkatapos niyang sabihin yun ay bigla na siyang lumabas ng restaurant.

Bigla na lang lumabas ang mga luha sa mata ko. Mahal ko pa rin talaga siya hanggang ngayon.  Kaso hindi ko rin maiwasan na mainis at masaktan sa ginawa niya sakin. Nahihirapan na talaga ako kaya kailangan ko ng magawa ang plano ko bago pa mahuli ang lahat.

Dumiretso na ako ng CR at tumingin sa Salamin.

I am going back to my old self.

Being Harsh to everyone.

Having bad-mouth.

Doing something incredible to impress other people.

Being not down to earth. 

The Spoiled Brat Meets the Korean PopstarWhere stories live. Discover now