Day 1 (Shooting)
Twinkle’s POV
Maaga akong nakarating sa place na pagshoshootingan namin kaya nag-stay muna ako sa van habang naghihintay. Nag-aayos pa kasi yung mga staffs ng mga equipments na gagamitin sa shooting like cameras, lights & etc.
Sa loob ng van:
Habang naghihikab si Coreen “Ang aga natin twinky!” *naghikab ulit*
“Tsk hindi kasi ako makatulog eh kaya maaga akong nagising” sabi ko
Oo nga mukhang napaaga talaga kami kasi tinignan ko si Manager at nakita ko na natutulog siya dun sa front seat.
So, habang naghihintay, binabasa ko muna yung script and kinakabisado ko na rin para mamaya, one take lang. diba sabi ko kahapon want ko ngang magpakitang gilas? So ito nga nagsisipag-sipagan ako.
Basa rito. Kabisado dun.
Basa rito. Kabisado dun.
Basa rito. Kabisado dun.
Ganyan lang ang routine ko sa loob ng 2 hours.
Grabe ang aga nga namin at ang tagal kong naghihintay.
Maya-maya biglang may kumatok sa bintana ng van ko at nakita ko yung make-up artist na nasa labas. Kaya pinagbuksan ko siya ng pinto.
“Sorry miss twinkle late po ako! Kanina ka pa po ba rito? Sorry po talaga.”
Yan kaagad ang bungad niya sakin.
Sympre alam naman niya na ayaw kong naghihintay at pag ako nagalit daig ko pa ang hari ng kagubatan. Kaya ayan takot na takot siyang nagpapaliwanag sakin.
“ok pero next time alam mo na?” sabi ko sakanya.
Pero naisip ko diba nga masyado kaming maaga so hindi pa siya late . pero sympre bossy type din ako eh. Kaya no choice ako kundi pagsabihan siya.
Sinimulan na niya akong ayusan at sympre hindi niya ako pagagandahin kundi …
Sisirain niya lang naman ang maganda kong mukha.
Diba nga panget ang role ko rito?
Tumagal din ng halos 2 hours ang pagmamake-up sakin.
Nung matapos na … lumabas na ako sa van at tinawag na lahat ng cast na kailangan sa scene na ito.
Ako at si Jay Park lang muna ang kailangan sa scene na ito at pasalamat na lang ako at wala yung feeling VIP na Zero na yun ! nababadtrip lang naman ako sa pagmumukha nun eh.
“Ready na ba lahat?”
“Yung mga camera ok na?”
“Yung sounds ok na?”
“Twinkle & Jay pakita niyo lang na super close kayo ok?”
Yan ang mga litanya ni Direk :D
“ok” sagot namin ni Jay.
Actually medyo kinakabahan pa rin ako ngayon although it’s not my first time doing this. Ewan ko ba kung bakit. Siguro dahil na rin naiilang ako kay Jay Park lalo na sa mga ginawa niya sakin nung mga nakaraang araw. Yung sweetness ba?
YOU ARE READING
The Spoiled Brat Meets the Korean Popstar
HumorThis is an ONGOING series. Copyright © 2013 by PrettySwagger123. All Rights Reserved.