18 ... My New Movie <3

306 7 0
                                    

~Twinkle’s POV ~

Ilang linggo na rin ang nakalipas pagkatapos ilibing si papa at nandito ako ngayon sa bahay. Kung titignan mo yung bahay parang sobrang lungkot na dahil wala na ang haligi nito. Si mama naman bumalik na sa Amerika para ipagpatuloy ang business dahil hindi naman ako pwedeng magpatakbo nito kasi busy pa ako sa pag-aartista at isa pa wala naman akong kapatid na pwedeng tumulong kay mama.

Nandito nga pala ako sa Wattpad Entertainment at hinihintay ang magaling kong manager na 1 month ng hindi nagpaparamdam (di joke lang). pumunta kasi yung manager ko sa London para bisitahin ang mother niya na may sakit at ngayon nakauwi na raw siya at hintayin ko raw siya dito sa building.

Ang wattpad entertainment ang may hawak sakin, sa schedules ko at sa iba pa. Kung baga under nila ako. Si Zero naman handle siya ng Kpop entertainment.

Si zero? Siya  na naman? Eeh?

Erase ^ Erase

Habang hinihintay ko siya nagselfie muna ako at nagpost sa instagram ko :D para maupdate ko ang mga fans ko ^^

Instagram: Hello ^^ waiting for someone .. hehe .. my lovely manager

“Ang alaga ko!!”

“Namiss na kita tita Ellen!! Ang aking lovely manager!!”

“Nga pala twinkle kasama ko ngayon si Miss Han dahil may pag-uusapn daw tayo tungkol dun sa offer na movie sayo” – tita ellen

“Hello po! Kamusta po kayo?”

“Ito ok naman ako twinkle. Ikaw kamusta kana?” – miss han

“Still recovering but I’m fine”

“good. So , nakumbinsi ko na yung scriptwriter at ikaw daw talaga ang napili niya sa role”

“really? Baka naman po napipilitan lang po siya na ako ang kunin”

“don’t worry twinkle ur the most precious artist in our country so I think ikaw ang number 1 na babagay sa role at wala ng iba” –miss han

“wow thank you so much po”

“by the way twinkle bukas na ang pirmahan ng contract & after nun script reading naman so I want you to be ready ok? I’ll give the schedule to your manager later”- miss han

“ok sure. Kilala niyo na po ba kung sino yung partner ko po?”

“sabi ng scriptwriter it’s a surprise daw bukas mo na lang daw malalaman”

Sino kaya siya? Sabagay kahit sino pa siya ako pa rin naman ang STAR sa movie na yun ! Wahahaha XD

Kinabukasan …

 

(CONTRACT SIGNING)

Pumunta na kami ni manager at Coreen sa location kung san kami magccontract signing.

“oh andito na pala ang star ng movie na ito. Hello twinkle!” bati sakin nung director ng movie.

“hello po kamusta?”

Sympre nagpapakaplastik lang ako sakinla para naman mag-offer ulit sila ng ibang movie next time :D kaya kailangan kong magpakitang gilas at magpakabait. Sipsip in short ^^

Alam din ni manager ang attitude ko pero sanay nay un sakin eh. Wehehe

“upo kana dito iha”

Nakaupo ako rito sa isang mahabang table (sympre sosyal na table naman) kasama ang ibang characters sa movie. I mean mga starlet na kasama ko. Wahaha!

“hello miss twinkle! Fan mo ko. Ang ganda mo pala sa personal”

Sabi ng katabi kong starlet pero infairness gwapings siya. Siya ata yung tumetrending sa twitter ngayon dahil ang gwapo raw. Saka bago lang siya sa industry eh.

“…” – ako

“ang ganda mo talaga”

“…” - ako

Kakainis ! ayoko siyang pansinin pero napakakulit talaga! Insecure ba siya sa kagandahan ko? Bading ba ito.

“miss twinkle pang-ilang movie mo na ito?”

Hays .. no choice kundi pansinin. Kailangan kong magpakitang gilas :D

<PLASTIC MODE TURN ON>

“oh hi! Ikaw pala ang new face ng industry na ito. Thank you sa compliment. Ahm. I think .. sorry ah hindi ko na kasi mabilang kung nakailang movies na ako dahil sa sobrang dami eh sorry”

Ok tameme siya at hindi na niya ulit ako kinausap.

WAHAHAHAHA (EVIL LAUGH)

Hinihintay na lang namin ang kapartner ko. Pero infairness ah 30 minutes na siyang late. Ano siya superstar? VIP? Kainis!

“pasensya na miss twinkle ah medyo traffic daw kasi kaya malalate ang kapartner mo”- director

“ok lang po yun direk!”

Pero sa totoo lang hindi ok yun ! nako nako .

“buti na lang at understanding ka at mabait twinkle”

SMILE :D

Talagang UNDERSTANDING ako at MABAIT . weh? Kanis!

Pagtingin ko sa harap ko isang babaeng nakatingin sakin ng masama. Kilala ko siya eh si .. si? Ano bang pangalan niya?! Hays . memory gap.

Edi inirapan ko na lang siya. Starlet naman yan ee.

Biglang may pumasok sa pinto. Sa tingin ko ayan na ang pa-VIP na feeling sikat na kapartner ko. Aist!

Hindi ko tinignan ang mukha niya. Bahala siya!

PA-VIP siya masyado eh!

“sorry I’m late!” sabi niya

“ok lang yan iho sige upo kana sa tabi ng maganda mong leading lady”

“ok”

Bahala siya hindi ko siya papansinin. Ako lang dapat ang STAR at VIP dito. Kainis!

May naramdaman akong umupo sa tabi ko.

Pero hindi ko pa rin pinapansin.

------------------------

A/N: Pabitin effect muna ^^ hehe ! abangan ang mga new characters ng story ko <3

The Spoiled Brat Meets the Korean PopstarWhere stories live. Discover now