34 ... Which one will I choose?

224 4 2
                                    

 

Twinkle’s POV

 

Ok na nga pala ako at nagpapahinga na lang dito sa bahay.

Naaalala niyo ba yung balita tungkol saamin ni zero? Natabunan na yun ng issue ng pagpapakasal nina zero at lovely. Kabi-kabila ang balita tungkol sakanila. Dahil nga sa nasasaktan ako sa mga nangyayari ay hindi muna ako nanunuod ng tv.

“Twinkle! Patayin mo na yang tv baka lalo ka lang mastress!” – coreen

Nandito nga pala si Coreen. Pinagbilin kasi ni mommy kay Coreen na alagaan ako eh.

“ok po”

“Kumain ka muna rito! Pinagluto kita ng nilagang baboy”

“wow!”

“Alam mo twinkle kung may problem ka… nandito lang ako at handing makinig sayo”

“salamat coreen! Alam mo naguguluhan talaga ako ngayon kasi nung nakaraang araw umamin lang siya sakin na mahal niya raw ako at handa niya akong ligawan tapos ngayon malalaman ko na magpapakasal na raw sila ni lovely. Diba ang gulo lang?”

“Oo magulo, pero natanong mo na ba siya or nakausap man lang? ”

“No! hindi ko kasi kayang humarap sakanya or marinig ang mga sasabihin niya kasi baka masaktan lang ako”

“Hay baka naman may dahilan lang siya”

“kahit ano pa ang dahilan niya hindi ko siya pakikinggan kasi sinaktan niya ako”

“Alam mo twinkle dapat mag-usap kayo para maayos niyo ang problema na yan kasi baka mamaya eh hindi naman talaga gustong magpakasal ni zero kay lovely baka naman pinagkasundo lang sila”

“pero alam mo naman coreen na first love ni zero si lovely”

“Malay mo tama ang hinala ko kaya let him explain ok?”

Zero’s POV

Ayoko munang lumabas ng kwarto ko. alam ko na rin na balitang-balita na sa tv ang pagpapakasal namin ni Lovely kaya ayoko munang lumabas.

Ngayon ko lang napatunayan na mas mahalaga sa akin si twinkle kaysa kay lovely. Alam ko na rin na si Twinkle ang tunay kong minamahal. Napatunayan ko lahat ng ito ng mahimatay si Twinkle sa harap ko. Alam kong stress-out lang siya dahil sa overloaded schedule niya at ang nakakainis pa ay imbes na magpahinga na lang siya ay dinagdagan ko pa lalo ang stressors niya sa buhay. Kaya napatunayan ko na talaga sa sarili ko na mahal na mahal ko siya.

Ngayon, hindi ko na talaga alam ang gagawin ko. Kasi kung pipiliin ko si twinkle baka naman gawin ni lovely ang ginawa niya dati kaya handa akong magsakripisyo ng kaligayahan ko dahil malaki rin naman ang naitulong sakin ng mama ni Lovely, siya kasi ang nag-alaga sakin nung bata pa ako dahil sa sobrang busy ng mga magulang ko.

Mahirap pumili.  Ano ba ang pipiliin ko? Ang maging Masaya sa piling ng mahal ko? or Kalimutan ang kaligayahan ko pero nakaligtas naman ako ng buhay ng iba?

* KNOCK KNOCK *

“PASOK!” sabi ko

“Kuya … Nandito si Lovely”

“hi honey! Uyy ! V thanks ah!”

The Spoiled Brat Meets the Korean PopstarWhere stories live. Discover now