Chapter 11

7K 147 11
                                    

" Jilianna, gising na, tumawag yong mommy mo"

" Manang 10 minutes please " lakas kasi makakatok ni Manang sa pintuan ng room ko. Antok na antok pa talaga ako, matagal kaya akong nakatulog kagabi dahil ang dami kong mga assignments na dapat tapusin dahil may minus kapag walang assignments. Si Mrs. Bote kasi kung makapagbigay ng mga assignments kala mo siya lang yong instructor namin.

" Jilianna, bumangon kana dyan, dahil naghihintay ang mommy mo sa telepono" bakit ba ang aga ni mama tumawag.

" Lalabas na ho manang" kahit inaantok pa ako pinilit ko na lang bumangon

Nagmogmog muna ako bago ako bumaba sa salas at nagsuklay na rin. Sa ilang buwan, ngayon lang ulit tumawag si mom sa'kin ganyan ba sila ka busy sa business namin? Pati si ate hindi na rin kami nagkakausap. Minsan nga nakakalungkot isipin na malayo ka sa mga taong mahal mo at ikaw lang ang naiwan sa bahay kasama yong mga taga bantay. Si dad naman busy din, wala na silang oras para dalawin man lang ako dito sa Pinas. Tsk! Masyado ng madrama yong buhay ko.

I grabbed the telephone at sinagot iyon..

" Hello ma?" pagsisimula ko

" Tagal makasagot ng anak ko huh" paglalambing ni mommy sa'kin honestly namimiss ko na talaga tong si mama pati yong mga yakap niya, kung pano niya ako alagaan noon nong andito pa siya sa tabi ko.

" Eh, mommy naman kasi eh bakit ba ang aga mong tumawag?, antok pa ako" pagmamaktol ko

" Sorry nak huh, namiss ko lang ang bunso ko eh, kumusta na ang pag-aaral mo dyan?" kahit hindi ko nakita si mama alam kong nakangiti siya ngayon habang sinabi yon sa'kin.

" Miss ko na rin kayo mom, also to my sisteret and dad. Kailan ba kayo uuuwi dito?Okay lang naman yong pag-aaral ko, matataas naman yong grades ko" hindi ko mapigilan yong luha ko, ganito ako kapag tumawag yong mama ko, minsan naiiyak ako to think sobrang layo lang nila sa'kin.

" Nak, pagpasensyahan mo na si mommy at yong daddy mo huh, we do this just to give you a good life and to support your needs, at para na din sa kinabukasan nyo ng ate mo. Actually yong ate mo nak she did well in her studies." pasensyahan? Ganyan na lang lagi sinasabi niya sa tuwing mababanggit ko kung kelan sila uuwi. Minsan din , naisip ko mas mahal nila yong ate ko dahil mas matalino sa'kin atsaka mas kayang maghandle ng business namin.

"Ge mom, okay lang. Hmm mom tell to ate na miss ko na yong kamalditahan niya ah" yong ate ko naman , mas maldita siya sa'kin though minsan bumabait. Palagi kaming nag-aaway, nagsasabunutan minsan pa nga nagsosomo wrestling kami. Miss ko na talaga siya, kaso nong sinabi ni papa na magtransfer si ate ng school at sa ibang bansa na siya pag-aralin i felt alone and useless on that time wala na akong kakampi kapag pinaggalitan ako ni mom or ni dad.

" Sure nak, i'll tell her, maaga siyang pumunta sa school dahil may activities pa daw siyang dapat salihan. Miss ka na rin ng ate mo" ang sipag naman masyado ni ate samantalang minsan late na akong umattend sa mga klasi ko.

" Ah, ganun ba ma? " mukhang napahanga pa si mommy. Tsk! Ano na kayang papel ko sa kanila no?

" Nak, I know what your thinking there, of course I am also proud of you, I love both of you as my beautiful daughters" Wala nga akong sinabi, ganito ba talaga ang mga mommies? They can predict everything on their children?

" Mom, I didn't say that, I knew you love us. So it's fine with me, nothing to worry"

" Okay thanks, So nak I'll call you again next time huh, if weren't busy doing something to our business, Take care yourself and yong allowance mo na ipadala ko na. Bye nak"

" Bye mom " napabuntong hininga ako while pressing the end button.

Teka ano na bang oras ngayon? Tinignan ko ang wall clock namin, Oh! quarter to 7 na. I swiftly run to my bathroom and took a bath. Pagkatapos kong magbihis bumaba na ako, mas gusto kong maligo sa sarili kong bathroom kay sa baba. Malelate na naman ako nito, and Oh My! magcocommute nga pala ako ngayon, dahil hanggang ngayon hindi pa rin kami bati ni Megan. Ganun ba kalala yong ginawa ko sa kanya? It's a piece of paper na may drawing lang. Nakakatawa mang isipin pero bahala nga siya, I can go to school without her free ride.

My Stunning Neighbor (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon