Continuation.....
Pagpasok ko sa kwarto nakita ko si Netch na nakadapa habang hawak niya yong phone siguro naglalaro, hindi niya ako napansin kaya gugulatin ko na lang to , seryoso sa nilalaro eh.
" Bla---- hindi ko natuloy dahil tumingin na siya sakin pero na sa gilid niya na ako kaya malamang kita niya talaga ako.
hinablot niya kamay ko kaya napahiga ako sa tabi niya at ngayon ko pa lang narealize na naktapis pa pala ako ng tuwalya.
" Ano Jil mangugulat ka nuh? " kakaiba yong ngisi niya ngayon." Oo sana, kaso panira ka eh, bakit mo ko napapansin agad ? " Saad kong hindi nakatingin sa kanya.
" Next time kasi Jil galingan mo " wala na, malaki na yong pagngisi niya. Ano , nag enjoy lang?
" Lah! Dyan kana nga!" pabangon na sana ako kaya lang pinigilan niya ako.
" Kaya napapansin kita kaagad Jil dahil ang bango bango mo kasi eh " Sabi niya habang nakatingin sakin. Napapansin ko na siya na laging nakatingin sa mga mata ko, seriously maganda ba talaga mga mata ko?
" Sus! Kunwari ka pa dyan eh" Umalis na talaga ako sa tabi niya at pumunta sa closet ko para kumuha ng maiusuot.
" Jil sa banyo ka magbihis wag dito " hindi siya nakatingin sakin.
" Hoy bruha bakit? Di ka pa ba nasanay sakin? " sunud-sunod kong tanong sa kanya.
" Wala, basta dun ka magbihis " di pa rin siya nakatingin sakin. Grabi na yong pagbabago niya." Basta, sumunod ka nalang kasi eh"
" Praning ka ba Netch? " tanong ko
" Hindi pa naman eh saka naku mapapraning kapag---- Hindi niya matapos ang kanyang sinabi at napatakip siya sa kanyang bibig.
" OA mo! " Lumabas na ako ng kwarto napaka OA eh, dati ganito naman ako sa mga barkada. Ngayon pa lang siya nagreact. Ano affected na baka may makikita siya?
Pagkatapos kong magbihis bumaba muna ako para kumuha ng pwede naming makain medyo nagugutom na naman ako eh dalhan ko nalang din si Netch baka gutom din ang sang yon hindi lang sinasabi sakin." Hija, kain na kayo ng kaibigan mo pababaain muna yun" sabi ni manang na busy sa paghuhugas ng plato.
" Dala nalang ako ng foods sa itaas manang dun nalang kami kakain dalawa, tamad bumaba yong si Netch eh" sagot ko naman. Totoo naman may pagka tamad din yun.
" Ok segi hija, damihan niyo ha"
" Oo naman manang yong busog na one month talaga" naka smile ako habang kumuha ng foods.
" Hahah ikaw talaga Jilianna " yun nalang nasabi ni Manang saka nagliligpit sa mga plato. Kunti lang kasi hinugasan niya kaya ang bilis lang natapos.
" Manang akyat na po ako ah"
" Segi Hija at ako'y matutulog na din"Umakyat na ko sa itaas at pumasok sa kwarto ko at yun nakita kong naglalaro pa din si Netch. Isa din tong adik sa laro eh. Naalala ko nalang si--.. aiksz!! Never mind.
" Bruha kain na tayo " sigaw ko sa kanya.
" Nakasigaw ka dyan? Kala mo'y kalayo ko ha " ayun nakairap na.
" Tayo na nga dyan ipapakain ko yang phone mo eh " Malumanay na yong boses ko.
" Tsss. Ito na, dyan ba sa study table mo tayo kakain?" Tanong niya habang ipinasok ang phone niya sa bulsa.
" Malamang alangan namang dyan sa kama " pilosopo kong sagot.
" Umaandar ka naman Jil ha, dagukan kita dyan eh"
" Eh nagtatanong ka pa kasi eh halata namang dito tayo kakain" I rolled my eyes.
" OA lang?"Habang kumakain kami puro kami tawanan eh pano ba kasi alam niyo naman si Netch lakas magpatawa eh kaya siguro nagtatagal yong friendship namin eh dahil madami kaming bagay na magkakasundo especially sa mga kalukuhan. Si Blaire din naman, bakit ko ba ikinukumpara sila they're both my bestfriends.
" Netch teka lang ha, sino na pala yong crush mo ngayon?" natahimik siya bigla.
" Kumain ka na nga lang dyan Jil " iwas tingin siya sakin
" Eh bakit ayaw mong sagutin yong tanong ko sayo? Dati ikaw lagi naga share kung sino yong crush mo at kung gaano ka cute" Tumigil na naman siya sa kinain niya. Ano ba nangyari dito sa kanya?
BINABASA MO ANG
My Stunning Neighbor (GxG)
Romance- MEGAN VERGEL- She's the most beautiful and popular in their school. Everyone likes her although she had her own attitude, bukod sa matalino at napakagandang babae ay Dart Player pa siya. She's living in California ,pero gusto ng kanyang mama na sa...