Chapter 6

7.7K 169 7
                                    

" Pano kung sabihin kong may gusto ako sayo ano ang magiging reaction mo? " she winked at me while saying those words to me, namula ako sa sinabi niya.. Wuaahhh!!! sh*t naman oh!

" wala akong gagawing reaction! Like duh! Abnormal ka nuh? sabihin mo lang dahil ipapadala kita sa mental ngayon din mismo." nakairap kung sagot sa kanya. pero siya? halos lalaki na ang mga magagandang mata niya sa pagpipigil ng tawa.. alam niyo yong inis? yon ang nararamdaman ko ngayon sa kanya. I just try to control myself para hindi ko siya masapak.

" Owwwss!!! talaga lang hah. oo nagiging abnormal ako dahil sayo. HAHAHA joke lang baka naman dibdibin mo yon"

" suntok gusto mo? " tinaas ko yong kamao ko pero para siyang sira na tinawanan lang ako. Napaka abnormal talaga, sabihin ko na kaya kay Tito Manuel ang depekto niya baka kasi lalala mahirap nah.. HEHEHE  ang sama ko nuh?

" Hoy mga bruha! tumigil na nga kayo diyan para kayong sira na nagbabangayan diyan, kahit parang pabulong yang ginagawa niyo diyan dinig na dinig namin yan dito sa likod ninyo" litanya ni Sed , sige siya na ang KJ , kahit puputok na ako sa inis dito sa katabi ko nag eenjoy din naman ako..

 " Sorry Sed huh. tinakpan mo na lang sana yong tainga mo para di mo kami marinig " sabi ko sabay ub-ub sa armchair ko, si Megan naman ay nakangisi parin. ang sarap talaga niyang mang inis .

" yan kasi napaka daldal mo " bulong niya sa tainga ko. yong init niyang hininga pumasok sa tainga ko, feeling ko tumaas lahat ng balahibo ko, sobrang kinilabutan ako sa ginawa niya. Inangat ko yong ulo ko at pinitik ang noo niya, imbis na mapa aw siya pero ngumiti siya ng sobrang lapad.

" BALIW!! "

Yon lang ang sinabi ko sa kanya tapos umub-ob ako ulit para matigil na yong asaran namin. Mas mabuti na kung ganito para iwas temptation. heheheh ang ganda kasi ni Megan nakakatomboy buti nalang straight ako at hindi ako magkakamaling magkagusto sa kanya dahil sigurado ako na marami akong kaagaw pagdating sa kanya. Okay sana kung lalaki ako pero ipinanganak akong babae eh.

" Hey, Jilian wake up.. uwi na tayo, doon mo na ipagpatuloy yang pagtulog mo." may tumatapik sa pisngi ko. at pagdilat ko nakita ko si Megan na naka smile na tumingin sakin. Yong smile niya aishht!!! bakit ba may dyosang katabi ako ngayon at nakangiti pa, sana naging lalaki nalang talaga ako, sisihin ko kaya mommy ko nuh kung bakit hindi ako lalaki. hehehhe.. sige na ako na ang baliw ngayon. :P :P :P ..

 " Hmmm! wala nabang next Prof ang papasok?" tanong ko sa kanya na ikinangiti niya. Damn! that smile.!

" malamang wala na. Walang mga Prof na pumapasok ngayon, hindi ko alam kung bakit, tumayo ka na nga diyan. tulog mantika" aniya at inilalayan akong makatayo, ang touching naman nito, pero dahil gusto kong makalapit sa kanya ng sobra nagparaya na rin ako.. hehehehe..

" ang sarcastic mo namang sumagot, tinatanong kita ng mabuti Megan huh"

" Hindi naman siguro medyo lang" ngumisi ulit siya .. haayyssst! kapitbahay kong abnormal..

Dumaan muna kami kina Zen kung saan sila nagtatambay sa ganitong oras, OO may tambayan sila at bihira lang akong nakiki-join sa kanila. Kahit minsan lang ako nakikisama sa kanila yong pagkakaibigan namin ay hindi nawasak, iniintindi nila ako eh. I do super love them talaga, wala nang makakapagpalit sa kanila dito sa HEART ko... Pagkarating namin ay hinila ko ang kamay ni Megan at tumakbo papunta sa kanila. I saw them laughing,. Ano kaya pinagtatawanan nila?

" Mukhang masayang masaya kayo Zen ah. anong meron?" tanong ko kaya napatigil sila sa pagtawa. At tinignan ako na para bang ngayon lang nila ako nakikita ulit. ilang saglit lang bumunghalit ulit sila ng tawa . Naks!!! Praning lang ?

My Stunning Neighbor (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon