Chapter 5

7.6K 205 9
                                    

Miyerkules ng umaga ngayon at kinailangan ko nang magmadali dahil 8:00 am ang pasok namin ngayon. Papalabas na ako sa gate namin at naglakad papunta kina Megan para  makisakay na naman sa kotse niya , masyado ng makapal ang mukha ko  heheheh. eh sa gusto kung magsesave ng money ko eh siya namn kasi ang nagyaya na sa kanya na ako sasabay sa pagpunta ng school at sa pag-uwi. kaya tinodo ko na dahil libre sa pamasahe :) kapal muks! hahahah

Nagdoor bell ako syempre may respeto ako nandyan kaya yong erpats niya baka kung anong sabihin ng papa niya sa'kin. Kaagad namang may lumabas sa bahay at si Tito yon ang papa ni Megan , guwapo din ito, matipuno ang katawan, at ang lakas parin niya kahit may edad na ito. , ewan ko lang sa mama ni Megan kung maganda ba .hehehe hindi ko pa kasi nakita eh, nagtatrabaho daw kasi sa ibang bansa. Manang mana ni Megan ang mukha ng kanyang papa kaya pala sobrang ganda nitong si Megan.

" Oh hija, halika muna sa loob at maupo ka muna" nakangiting sabi ni Tito Manolo, oo kilala na ako ng papa ni Megan sa araw-araw ba naman na magkakasabay kami ni Megan papuntang school except weekend, syempre walang pasok yan.  Tito nalang daw ang itawag ko sa kanya dahil mukhang anak na daw ang turing niya sa akin dahil nag-iisang anak lang si Megan. Kaya pala lahat ng pangangailangan ni Megan naibibigay ng kanyang magulang. Ok so much for that hehehe.!

" Ah sige po Tito, asan na po si Megan" pagtatanong ko kay Tito

" nagbibihis pa siguro hija, hintayin mo nalang dito ha at may gagawin pa ako." Aniya

" Okay po Tito" haysst! ano kayang ginagawa ng babaeng yon, baka malelate na kami nito, may exam pa naman kami ngayon.

Biglang bumukas ang silid niya at lumabas siya mula doon, napahanga na naman ako sa ganda niya bakit ba napaka dyosa niyang tignan kahit saang angulo. Kahit minsan masungit ito oh biglang nagalit nandon parin yong ganda niya, artista ba ito at kayang controlin ang kanyang mukha para hindi pangit tignan kung nagagalit?.

" Hoy Megan! bilisan mo na diyan malelate na tayo, may exam pa tayo." hiyaw ko sa kanya na nagpakunot sa noo niya.

" edi mauna ka! " bulyaw din niya sa akin,  ano be yen! may topak ba toh? masyadong moody itong dyosang nakatayo sa harapan ko huh!. Minsan hindi ko talaga alam kung bakit ganyan nalang ang ipinapakita niya sa akin, siguro nagtatampo parin siya dahil hindi ko siya pinasabay nong sinabi kong gusto kong mapag-isa , kasi naman eh, music is one of my favorite especially kung wala akong magawa. Nagkataon lang kasi non na mukhang nabago yong mood ko kaya yon nalang ang inasal ko sa kanya.. Nagjojogging nga siya nong time na yon diba? ilang araw na ngayon simula ng mainis siya sa'kin oh sabihin nalng natin na nagtatampo pa rin siya. ewan ko hindi ko mabasa sa mukha niya eh kung ano ba talaga.

" Okay! nagpapahintay pa eh kung papaunahin lang pala ako! geh! " grabe tong babaeng to hindi ko na talaga maiintindihan ang ugali nito. ano ba kasing nagawa kong kasalanan sa kanya. Psshh!!!  akmang tatalikod na sana ako ng biglang sabihin niya sa'kin ang mga katagang ito....

" Walang nagsabing hihintayin mo ko, pero sige dahil andyan ka na aalis na tayo, may exam pa nga tayo, pasensiya kana." medyo bumaba na yong tono ng boses niya ng sinabi niya yon sa'kin pro halata parin ang pagkainis niya, hinarap ko siya at tinaasan ng kilay ko. Napaka nitong Megan nato pasalamat siya hindi nauubos yong pasensiya ko ngayong umaga..

" Megan ganyan kaba talaga, matanong nga kita diba sobrang ok natin noong nakaarang araw!? eh bakit nagiging demonyita ka na naman ngayon? " mahinang tanong ko sa kanya na may halong bulyaw, dah! bahala na nga kung maririnig kami ng papa niya, kahit ngayon lang kami nag-aaway sa loob ng bahay nila..

" Hindi mo kasi ako pinasabay sa paglalakad mo eh! ang OA mo naman para makisabay lang ipinagdamot mo pa, kaibigan na nga tayo eh. " sabi niyang parang bata. kung ganito lang sana siya araw-araw edi mas mabuti.

My Stunning Neighbor (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon