Jilianna'sPOV
Sa wakas nagiging tahimik na rin ang pamamahay namin. Umuwi na nga ang mga maiingay. Heheh! Masaya ako ngayon kahit na kanina pinagtripan ulit ako ni Megan. Lakas kasi ng kalukuhan nun. Speaking of Megan andito pa rin pala siya sa'min kahit late night na hindi pa rin umuuwi. Baka dito matutulog ang isang iyon. Feeling ko kanina sasabog na ako sa galit dahil sa kalukuhan ni Megan, super nag-alala talaga ako sa kanya kung napano siya dahil sa totoo lang ang galing niyang umarte na pa believe nga niya mga kaibigan namin ako pa kaya? Ayon ang loka-loka nakahiga sa sofa bed namin while scanning her cellphone. Ano kaya pinagkakaabalahan niya noh? Siguro maraming text mate's. Hindi tulad ko na minsan lang gumana sa pagtetext.
" Hoy lukareta hindi ka pa ba uuwi? May pasok pa tayo bukas." Wika ko sa kanya.
"Busy mga teachers natin bukas. Sa makalawa na ang sports game." Sagot niya na hindi man lang nag-angat ng tingin sa akin. No doubts busy talaga siya sino kaya katext niya sa ganitong oras?
"Kahit na, attendance is a must Megan."
"Wala akong pakialam kung may attendance man. Malaki grades ko kaya hindi naman siguro nila ako ibabagsak dahil lang sa isang absent ko." Aniya na patuloy pa rin sa pag scan ng phone niya. Hanep din pala ang isang to eh ayaw ata makita ang maganda kong mukha. Tsss!
"Megan tama na yang paggamit ng phone umuwi kana sa inyo malamang hinahanap ka na ni Tito Manuel" naiinis na kasi ako eh. Di ko nga alam kung bakit eh basta ito yong nararamdaman ko ngayon.
"Alam ni papa na andito ako saka sabi niya pag ginabi ako ng sobra pwede ba daw na dito muna ako matutulog kahit ngayon lang. Nakakatamad na kasing umuwi eh."
"Sure ka ba dyan Megan? " usisa ko
"Yup! Gusto mo,puntahan mo pa papa ko para maniwala ka talaga na hindi ako nagsisinungaling " this time inangat na niya yong ulo niya pero saglit lang ibinalik niya ulit ang tingin niya sa phone. Hayst!
Hindi ko na napigilan ang sarili ko kaya lumapit na ako sa sofa bed at inagaw ang phone niya at tinignan ko kung ano pinagkakaabalahan niya. When I opened her phone tsk! Naglalaro lang pala ng candy crush. Buwisit akala ko may katext siya yon pala naglalaro lang.
" Jilianna what is your problem? Give me my phone. Ano ba nangyayari sayo at bigla ka na lang nang-aagaw ng phone? " ahhh! Nakakahiya. Ah Alam ko na .
"Gusto ko lang tignan ang brand ng phone mo Megan. Oh ito na " sabi ko Sabay bigay sa kanya.
" Jilianna! Tsk! Ayan tuloy game over na. Wala ka bang makitang malilibangan? Oh ito isang phone ko maraming apps dyan pumili ka lang. Pero PROMISE mo sa'kin na wag muna ulit agawin phone ko especially when I used it." Taas kilay niyang sabi sakin. Yehey! Nainis ko na din siya. Hehehe.. Inabot niya sakin ang iPhone niya at kinuha ko kaagad sa kanya.
"Megan wala ka bang HOD dito?" Tanong ko. Favorite ko kasi na laro yon dahil parang nababaliw ako kapag may mga patay na umaatake sa character ko.
"Meron"she answered after giving me a quick glance. She still playing candy crush. Adik nito.
" Asan na uy? Hindi ko makita eh" excited na talaga ako magplay ng HOD.
" keep quite please! Akin na nga yan!" Hala nagalit ba toh? Hinablot kasi niya sakin yong iPhone eh. Masyadong engrossed sa candy crush niya pangit naman.
" Ayan na. Istorbo mo!" Wow! Sinigawan niya talaga ako huh. Di ko nalang pinansin yon baka uminit pa lalo ang ulo niya.
Umupo ako sa tabi niya. Makikihiga sana ako sa tabi niya kaso parang ayoko eh. Maybe hindi ko lang feel. Nagstart na akong magplay sa HOD game ko.
BINABASA MO ANG
My Stunning Neighbor (GxG)
Romance- MEGAN VERGEL- She's the most beautiful and popular in their school. Everyone likes her although she had her own attitude, bukod sa matalino at napakagandang babae ay Dart Player pa siya. She's living in California ,pero gusto ng kanyang mama na sa...