Xean's Point of View
Dumaan muna ako sa opisina ng Council of Gigolos. Tulad ng aking inaasahan ay naroon parin si Council Nathan at Council JC. Naghahanda na silang umuwi.
"Andito na pala ang star ng Adonis Gala," ang komento ni Council Nathan.
"Show stealer kamo," ang pagtatama naman ni Council JC.
"Well, wala na akong magagawa sa bagay na 'yan," tugon ko.
"Kailangan ko nang umalis," ang saad niya. "May kailangan akong kitain."
"Ang ibig mong mong sabihin ay makikipag-date ka," ang komento ko.
"Parang ganun na nga," ang wika niya sabay kamot ng ulo.
"Kailangan ko na ring umalis," ang paalam din ni Council Nathan.
"Makikipag-date ka rin?" ang nagtataka kong tanong.
"Ah, hindi. May Japanese Corn na naghihintay," ang tugon niya.
"Oh, okay."
Pinanood ko naman silang umalis ng opisina bago ako nag-ayos ng ilang dokyumento sa aking mesa. Pindala ko na rin sa nga miyembro ng Legal Department ang address ng napili kob restawrant. Pagkatapos makapag-ayos ay lumabas na rin ako ng Head Office at dumeretso sa parking area. Nagsimula akong magmaneho pagkasakay sa aking kotse. Kalalabas ko lang ng parking area nang may mapansin sa gilid ng kalsada. Si Marky, kasama ang ilang miyembro ng team na sila Jab, at Johnson. Nagkukuwentuhan silang tatlo nang mag-park ako sa tapat nila. Natigilan naman sila at napatingin sa aking sasakyan. Ibinababa ko naman ang salamin ng sasakyan at sumilip.
"Council Xean," ang sabay-sabay naman nilang pagtawag.
"Papunta na ba kayo sa restawrant?" ang tanong ko. Tumango naman silang tatlo.
"Naghihintay lang kami ng masasakyang taxi," ang paliwanag ni Jab.
"Ganun ba? Sakay na."
"S-sigurado ka ba, Council Xean?" ang gulat namang tanong ni Johnson.
"Oo naman," ang pagkumpirma ko. "Papunta na rin naman ako roon." In-unlock ko naman ang mga pinto para sa kanila. "Alam niyong hindi ako puweden magtagal dito. Puwedeng pakidali."
"Kung talagang mapilit ka, Council Xean," ang pagpayag ni Marky. "Sa harap ako."
Kaagad naman siyang naglakad patungo sa front passenger's seat at sumakay. Nang makasakay ang lahat ay ipinagpatuloy ko ang pagmamaneho.
"Ito ang unang beses na nakasakay ako sa kotse ni Council Xean," ang saad ni Johnson sabay tingin sa loob ng sasakyan.
"Ako rin. At ito rin ang unang beses akong nakasakay sa napakagarang sasakyan," wika naman ni Jab.
"Bigay ito ng RnJ bilang promotion gift nang naging Head ako ng Lega Department," ang paliwanag ko naman.
"So, kung ako ang magiging susunod na Head ng Legal Department ay makakatanggap din ako ng ganito?" ang tukso naman ni Johnson.
"Sigurado akong bibigyan ka," ang pagkumpirma ko naman. "Pero kailangan mo munang maghintay. Ang ibig kong sabihin ay kailangan ko munang magbitiw."
"Mawalang galang na, Council Xean" ang paalam ni Jab. "Pero kailan 'yun?"
"Hmm," ang reaksyon ko bago napaisip. "Kapag na-inlove na ulit ako."
"Ah, ibig sabihin ay hindi na," ang sabay namang sinabi ng dalawa.
"Exactly," ang tugon ko sabay tawa.
"Pero malay niyo naman," ang singit ni Marky. "Minsan, dumarating ang pag-ibig nang hindi mo inaasahan. It comes around and just knocks you down."
"Hay naku. Hindi na 'yan mangyayari pa. "Natuto na ako at hindi na ako papadala sa arehong bitag."
"Are you not... missing the feeling of having butterflies in your stomach?"
"Puputulan ko ng mga pakpak 'yang mga paru-parong 'yan," ang tugon ko. "Sasakit lang ang tiyan ko."
"Nor being head over heels?"
"No. Delikado ang maglakad ng naka-heels," ang koennto ko. "Madarapa ka lang at mahuhulog sa maling tao."
"Be someone's apple of their eyes?"
"Alam mo bang puno ng carbs ang mga mansanas? Tataba ka lang niyan."
Narinig ko naman ang pagbuntong-hininga ng dalawa sa likuran.
"Napaka-nega naman," komento ni Marky. "I'm sure you'd take someone's breath away if you would want to."
"Na nakamamatay," tugon ko.
"Marky, itigil mo na nga 'yang love idioms mo at 'yang page-English mo," ang pagsuway naman ni Jab sa kanya. "Pa-bitter lnag ng pa-bitter ang hangin."
"Hindi naman makakasakt kung may kaunting tamis din, 'di ba?" komento ni Marky sabay ngiti. "Hindi ko alam ang kuwento mo, Council Xean... pero maniwala ka sa akin kung sasabihin kong naiintindihan ko lahat ng sakit na pinagdaraanan mo." Ramdam ko naman ang pagiging sinsero niya sa kanyang mga sinabi. "You deserve to be happy."
Pinilit ko namang ngumiti at tumango. "Thank you."
"And time heals everything," ang dagdag niya pa.
"Johnson, nararamdaman mo ba 'yun?" ang retorikal na tanong ni Jab sa kanya.
"Oo," ang pagkumpirma naman ni Johnson. "Love is in the air!"
"Yung aircon lang 'yun," ang komento ko naman.
"Hay naku, Council Xean," ang reaksyon ng dalawa.
"Ano?" ang tanong ko. "Ewan ko ba kung saan niyo napupulat ang mga 'yan."
"Baka naman kasi may mga bagay na hindi lang napapansin," ang wika ni Jab.
"Ha?"
"Ah, wala lang,"
"Huy! Parang tanga!"ang reklamo ko na nakapagpatawa sa kanila. Napailing naman ako. Mga miyembro nga sila ng Legal Department. "Walang dinner para sa inyong tatlo," ang tukso ko.
"Council Xean!"
Pagkalipas ng ilang minuto ay nakarating kami sa restawrant.
"Wow, matagal-tagal na rin nung huling beses akong nagpunta sa isang Japanese restaurant," ang nakangiting wika ni Marky sabay tingin sa paligid. Hindi naman ganun kamahalan ang lugar pero maganda ang ambiance ng lugar. Dito ako kumakain kapag may oras.
"Ang ganda rito!" ani ni Johnson. "Hindi ko alam na may ganitong restawrant na malapit sa RnJ."
"Tama," ang pagsang-ayon ko. "It is sure a hidden gem. Tsaka affordable din ang mga makakain rito. Halina sa loob; sigurado akong naghihintay na ang iba."
Pumasok naman kaming apat sa restawrant na nagnagngalang Koi Hosu. Napatingin kami sa paligid at hinanap ang iba pang miyembro ng Legal Department.
"Council Xean!" ang pagtawag ni Jace. Napalingon naman ako at nakitang papalapit siya sa amin.
"Narito na ba ang lahat?" ang tanong ko.
"Hindi pa. Wala pa sila Jab, Johnson at Mar— " Natigilan naman siya nang makita ang tatlo sa aking likuran. "Ah, di bale na lang. Kailan kayong dumating tatlo?"
"Kasama ko sila," ang sagot ko sa kanyang katanungan. "Anyway... wala na tayong sapat na oras. Kumain na tayo." Sumali naman kami sa iba. "Um-order lang kayo ng kung anong gusto niyo.
"Puwede ba kaming kumuha ng alak? Ang tanong naman ni Liyana.
"Malang, hindi," ang tugon ko. "May trabaho pa tayo, hindi ba?"
"Pagkatapo ng Adonis Gala, Council Xean?"
"Uhm... Eh, paano ang trabaho bukas?"
"Council Xean, relax ka lang. Hang out lang naman," ang wik ang isa sa kanila. "Hindi naman tayo magpaakalango sa alak."
"Guess it's a plan, then," ang pagsuko ko. Napapalakpak naman sila sa tuwa. Sa ngayon, kumain kayo. Kailangan nating magbalik ng Main Office at siguraduhing magiging maayos ang Adonis Gala."
BINABASA MO ANG
Written in the Stars (Taglish Version)
RomanceDISCLAIMER: This novel is not related to I'm in Love with Mr. Kimchi in anyway. It has been more than a year since Xean and Lucas ended their seven year relationship. Lucas needed to fly to Korea while Xean started working as the Head of the Legal...