Xean's POV
"Napaka-busy ng Legal Department lately," sagot ko. "Kailangan ng team ang bawat taong puwedeng magtrabaho para sa department."
"You can just hire someone," pangangatwiran niya. Napaikot naman ako ng mga mata.
"Fine," I gave in. "You can accept the offer but that doesn't give you the golden ticket to stay here."
"Bakit naman?"
"May sarili kang apartment, remember?"
"Oh, right," utal niya nang mapagtanto niya nga ang bagay na 'yun. "Kung gayon, aalis ako sa apartment tapos lilipat ako rito."
"Bakit ba gusto mong tumira rito?"
"Ikaw," sagot niya.
"Ako?"
"Kailangan mo ng tulong," paliwanag niya. "Tignan mo. Para kang zombie na hinugot mula sa isang pelikula."
"Wow!" hindi makapaniwalang reaksyon ko. "At sino ang may kasalanan?"
"Ang alon," sagot niya sabay tawa siya.
"G*go," bulong ko sabay iling.
"Anyway, I'll stay for dinner," sabi niya sa akin.
"Sure," pagsang-ayon ko. "Anong gusto mong kainin? Gusto kong magluto pero hindi ako makatayo ng matagal. Gagamitin ko lang ang delivery app para magpa-deliver ng pagkain."
"No need," sagot niya. "Ako na magluluto para sa atin."
"Ikaw magluluto?"
"Oo naman, magaling ako diyan!" masiglang sagot niya. "Marami akong natutunan sa pagtira ko nang mag-isa?"
"Baka naman itlog at sausage lang ang kaya mong iluto," sabi ko sa kanya.
"Hoy! Sariwa at masarap ang mga itlog at sausage ko!" nakipagtalo naman siya. Napangisi ako sa narinig.
"That sounded so wrong," komento ko.
"Hindi iyon ang ibig kong sabihin," paglilinaw niya. "Maniwala kasa akin. Let me invade your kitchen and I'll show you what I got."
"That sounded so wrong, too," komento ko ulit. Umiwas naman siya ng tingin nang nakaramdam ng hiya.
"The kitchen is there," sabi ko sa kanya sabay turo sa kinaroroonan nito.
"Tatawagin kita kapag handa na ang pagkain." Tahimik siyang pumunta sa kusina habang ako naman ay dahan-dahang naglakad patungo sa reading nook at inayos ang mga dokumento roon. Naagaw ang atensyon ko sa tanawin ng paglubog ng araw; awtomatiko itong nagpinta ng ngiti sa aking mukha. Sinong mag-aakala na may maganda rin pala sa mga pagtatapos? Umupo ako sa sofa at pinagmasdan ang langit na unti-unting dumilim habang ang buwan ay mas pumalit.
Hindi ko naman namalayan; nakaidlip ako.
"Xean, I'm back," sabi ng isang pamilyar na boses. Lumingon ako at nakita ko si Lucas. Pareho kaming nakatayo sa harap ng café kung saan kami unang nagkilala. Kailan ako nakarating dito? Ngumiti naman siya sa akin. "Matagal na, hindi ba?"
"Ano bang gusto mo?" malamig na tanong ko.
"Alam mo na ang sagot," sagot niya. "Ikaw."
"Pagkatapos ng lahat ng mga panahong nawala ka?" hindi makapaniwalang tanong ko. "Inaasahan mong tatakbo lang ako pabalik sa'yo na parang walang nangyari?" Nagsimulang tumulo ang mga luha ko. "Lucas, I am not a dog. I won't get excited to see you no matter what."
"Xean," pagtawag ng isa pang boses. Lumingon ako at nakita ko si Marky sa 'di kalayuan. He was beaming again like a ray of sunshine as he waves his hands at me. "Council Xean!"
BINABASA MO ANG
Written in the Stars (Taglish Version)
RomanceDISCLAIMER: This novel is not related to I'm in Love with Mr. Kimchi in anyway. It has been more than a year since Xean and Lucas ended their seven year relationship. Lucas needed to fly to Korea while Xean started working as the Head of the Legal...