Xean's POV
"Hindi kami nagde-date," paglilinaw ko.
"Oh, balita ko ay nakikitulog ka sa kanya," sagot niya. "At ginagamit niyo na ang damit ng isa't isa."
"H-hindi totoo yan!" muli kong nilinaw. "Nalasing ako kaya pinatuloy niya ako sa apartment niya. Dahil doon ako natulog, hiniram ko ang damit niya ng isang araw," paliwanag ko. "We are friends. Don't misunderstand, Ladine."
"Bakit parang tunog isa ka sa mga wife client natin na lumabag sa rules?" reaksyon niya.
"You know what? I won't waste any more of my time explaining this to you," sagot ko. Wala naman siyang sinabi; instead, she just shrugged as if she didn't believe me. Nakuha siya ang atensyon nang dahan-dahan niyang hinubad ang kanyang beach kimono.
"Council Xean, pakibantayan naman ito?" pakiusap niya sa akin habang inaabot sa akin ang piraso ng tela.
"What a show-off," mahina kong ungol.
"Ladies, pwede bang manghingi ng sunscreen niyo?" tanong niya kina Liyana at Jace.
"Sure, Miss Ladine," sagot ni Liyana saka iniabot sa kanya ang bote ng sunscreen. Tumingin siya sa akin.
"Ay, hindi," mabilis kong pagtanggi. "Don't look at me. I won't ever touch you. Never in this life and never in the next."
"Harsh," reaksyon niya habang tumatawa. "Oh, well. Marky! Darling, halika rito saglit!" Tumingin sa kanya si Marky na nasa tubig pa rin at ngumiti. "Hiramin ko saglit ang boy toy mo."
"Boy toy," ungol ko. "Bahala ka."
Naglakad ako patungo sa isa sa mga kahoy na upuan sa tabi ng pool at umupo habang sinimulan kong gamitin ang aking tablet computer para magbasa. Napalingon ako sa paglabas ni Marky sa tubig. Napatingin ako sa kanyng mga balikat; they're broad. He has firm chest... at ang mga abs ay parang inukit sa pagiging perpekto. Nagmukha siyang mas kaakit-akit nang nagsimulang kumislap ang mga patak ng tubig sa kanyang katawan. Nakasuot siya ng royal blue na swimming trunk na bagay sa kanya. Hindi... kahit anong suotin niya ay bagay sa kanya.
"Miss Ladine, may kailangan ka?" tanong niya sa kanya.
"Do you mind applying some sunscreen to my back?" tanong niya with her sultry tone.
"Sure, Miss Ladine," ang pagpayag naman ni Marky. Of course, boys will be boys. Napailing na lang ako at hindi na sila pinansin. Nasa kalagitnaan ako ng pagbabasa ng isa sa mga pinakakawili-wiling librong nabasa ko; tungkol ito sa mga mangkukulam, mythological beasts, isang akademya ng mahika, at iba pa.
Napatingin ako sa dalawa. Nakahiga si Ladine na nakatalikod. Nakita ko ang likod ni Marky; even his back looks good. Nahuli niya akong nakatingin sa kanya nang mapalingon siya. Ngumiti siya sa akin. Mabilis akong umiwas ng tingin at nagpatuloy sa pagbabasa. Naramdaman kong bumilis ang tibok ng puso ko na para bang nasa isang karera.
"Xean, calm down," sabi ko sa sarili ko. Bakit ganito ang reaksyon ko? Marami akong nakilalang guwapong lalaki pero ang tagal ko na ring nag-react ng ganito. Huli na yata noong kasama ko pa si Lucas.
"Council Xean," tawag ng pamilyar na boses. Tumingala ako; si Marky nga. "Pwede ba akong maupo sa tabi mo?" tanong niya. "Don't worry. Malapit na rin akong matuyo."
I tried my best para i-compose ang sarili ko.
"S-sige, sige," binigyan ko siya ng permiso, naupo naman siya sa tabi ko. "May problema ba? May kailangan ka bang sabihin sa akin?"
Umiling siya habang nakatingin sa akin.
"Hindi ka ba magsi-swimming?" tanong niya.
"Wala ako sa mood," sagot ko.
BINABASA MO ANG
Written in the Stars (Taglish Version)
RomanceDISCLAIMER: This novel is not related to I'm in Love with Mr. Kimchi in anyway. It has been more than a year since Xean and Lucas ended their seven year relationship. Lucas needed to fly to Korea while Xean started working as the Head of the Legal...