Chapter 39: Wiped Out

84 5 0
                                    


Xean's POV

Ipinakita naman niya sa akin kung paano biglaang tumayo sa surfboard. Pagkatapos ng lecture niya ay pinagawa niya sa akin 'yun bilang paghahanda. Medyo hindi ako mapakali. Paano kung madulas ako at mahulog? "Uhm, Marky. I'm not sure if I can do it."

"I'm sure you can," sagot niya habang papalapit sa akin. Umupo siya malapit sa surfboard. "Wag kang mag-alala. Nariito ako."

Napabuntong hininga nalang ako at tumango. Ipinatong ko ang aking mga kamay sa surfboard at itinulak ang aking sarili. Dang, this is hard! Nakatayo ako pero mabilis akong natumba nang dumulas ang paa ko sa board. Naramdaman kong bumagsak ang katawan ko pero mabilis na tumayo si Marky at hinawakan ako sa braso. "Ingat ka" bilin niya sa akin.

"Ang hirap naman," reklamo ko.

"Sumusuko na?" tanong niya. "Hindi 'yan ang Council Xean na nakilala ko."

"Kailangan ko ba talagang ituloy 'to?" tanong ko sa gusto niyang gawin ko. "Paano kung mahulog ako sa tubig? Marky, baka malunod ako at mamatay."

"Don't worry. You won't" paniniguro niya sa akin. "I'll be there to catch you when you fall. Hindi ko hahayaang masaktan ka; trust me."

"You better should," sagot ko. "Or else I'm gonna fire you."

Umiling lang siya at tumawa. "Then, you'll lose one of your finest employees in the department," pang-aasar niya. "Council Xean, hindi sa atin ang buong araw. Ituloy natin, ha? Subukan mo lang na bantayan kung saan mo ilalagay ang paa mo. But your stance was fine. Let's do it a couple more times before we proceed."

"Hindi ba't mas mabuti na lumusong ka na lang sa tubig nang hindi mo sinasayang ang oras mo sa paggawa nito?" tanong ko.

"I really don't mind," giit niya. "You're here. I'm here. Let's just as well take the moment. Who knows? Baka magustihan mo na rin pagkatapos? Subukan mo lang."

"Fine," sa wakas ay sumuko na ako bago ito muling subukan. Ilang beses kong sinubukan ang pagtayo hanggang sa nakatayo na ako na hindi natutumba.

"Nice one, Xean!" puri ni Marky matapos masaksihan ang huling subok ko.

"Ngayon, ano ang susunod?" tanong ko. I feel a bit more confident now.

"Now, were talking," nakangiti niyang sagot bago kami nagpalitan ng pwesto

"Good... now keep your balance. I think you're all ready to get in the water."

"Oh, no," ang naging reaksyon ko sa takot. Hindi pa ako handang gawin ang gusto niya. Nakita niya ang takot sa mga mata ko kaya naman hinawakan niya ang balikat ko and being the good guy that he is, he once again reassured me that everything would be alright. Dala niya na ang surfboard habang pareho kaming patungo sa tubig. Naramdaman ko ang mainit na buhangin sa aking talampakan. Gusto ko na kaagad lumusong sa tubig dahil sa panahon. I'm hating this already.

"Mag-ingat ka," paalala ni Marky sa akin.

"Alam ko," sagot ko. "Tigilan mo na ang pagtrato sa akin na para akong isang bata."

Ngumiti lang siya at tumango. "Soon, you'll be one," sabi niya.

"Ano?" tanong ko. "Anong ibig mong sabihin?"

"Never mind," sagot niya habang inilalagay ang surfboard sa tubig. Itinali ni Marky ang paa ko sa board. "Subukan mong alalahanin ang mga bagay na itinuro ko sa iyo.

"Fine," simpleng sagot ko at nagsimulang magpraktis sa pagsagwan ng mga braso ko at tuluyang itinulak ang sarili ko. Dahil ang surfboard ngayon ay basa at hindi nakatigil, mas nahirapan akong itulak ang aking sarili at hanapin ang aking balanse. Palagi akong nahuhulog sa tubig.

Nalalasahan ko ang maalat na tubig na pilit na pumapasok sa aking bibig sa tuwing nahuhulog ako sa tubig. At sa tuwing nangyayari iyon, parang mas malapit na akong magt-ransform sa totoong buhay na sirena.

Tuwing nahuhulog ako sa tubig, nararamdaman ko ang pagtakbo ni Marky papunta sa akin. Hahawakan niya ang braso ko at mabilis akong hinihila pataas, tinatanong ako kung okay lang ako. Well, kung ano ang hindi pumatay sa iyo ay nagpapalakas sa iyo. At kung ano ang hindi pumatay sa iyo sa unang pagkakataon ay maaaring mangyari... kapag inulit mo ito.

But Marky reminded me of taking risks once again... not just once, actually but ever since pumasok siya sa legal department. Nakakakatuwang mabilis niyang ipinaalam ang presensya niya sa aming lahat.

Dumating ang mga tao at umalis ang mga tao. Ang legal department ay palaging abala kaya wala akong napapansing ibang miyembro maliban sa tatlong babaeng bumubuo ng Powerpuff Girls. Nagsimulang lumiwanag ang lugar nang dumating siya.

Everything changed when Marky arrived with that doe-eyed smile. He has his own way of socializing.

"Why are you looking at me deliciously?" tanong sakin ni Marky. Para akong tulala sa pagsagot niya sa tanong na iyon. Hindi ko naintindihan at hindi ko mahanap ang ibig sabihin nito.

"Ano?!" reaksyon ko. "Look at you deliciously? Anong ibig sabihin nito?"

"Matagal mo na akong tinititigan," paliwanag niya.

"Hindi ako sayo nakatitig," sagot ko. "I was not staring at you. Anyway, I'm ready to give this another try."

Ngumiti siya at tumango habang iginiya ako sa mas mababaw na bahagi ng dagat. Sumakay ako sa board at nagsimulang igalaw ang mga kamay ko. Sa oras na ito, pamilyar na ako sa mga alon. Nang medyo komportable na ako, itinulak ko ang sarili ko.

Sa isang iglap, natagpuan ko ang aking sarili na binabalanse ang aking sarili sa surfboard nang matagumpay. Nagsimula akong sumigaw sa tuwa habang iniikot ang ulo ko para tingnan si Marky. Tuwang-tuwa nga siya sa akin pero mabilis itong lumipas habang sinisigaw niya ang pangalan ko. Ibinalik ko ang aking mga mata sa tubig. Napuno ng takot ang mga mata ko nang makita ko ang isang malaking alon na papalapit sa akin.

Huli na para bumalik at wala akong ideya kung paano iikot ang surfboard. Bumangga ako sa alon at naramdaman kong gumulong ang katawan ko kasabay ng agos. Lumuwag ang nakatali sa aking bukung-bukong, dahilan para mahiwalay ang surfboard palayo sa akin.

Patuloy akong hinihila ng agos ng tubig patungo sa mas malalim na bahagi ng dagat. Sinubukan kong lumangoy palayo but my ankle got stuck between two corals. Sinubukan kong hilahin ang paa ko pero hindi ko magawang makawala.

Nagsimula akong mag-panic at unti-unti kong nararamdaman na nauubusan na ako ng hininga.

Marky is indeed a breath stealer but I never expected he would steal mine this way.

Written in the Stars (Taglish Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon