Chapter 3: Sweet Moments

251 8 4
                                    


Xean's Point of View

Puwede ko bang sabihin na... para siyang isang karakter na hinugot mula sa isang Korean Drama? Mga chinitong mga mata at isang ngiting tunay naming nakakabihag.

Nagsimula kami bilang magkaibigan, at nasanay na akong palagi siyang kasama. Magaling siyang makihalubilo sa iba, at napakatalino. Maliban sa mga korni niyang jokes na sinusubukan ko talagang tawanan ay nae-enjoy ko naman ang mga sandaling kasama ko siya. Kadalasan ay sa mga coffee shop kami nagpupunta. Sinusubukan niyang mag-aral ngunit ang ending ay kinakausap niya ako tungkol sa mga kung anu-anong bagay na maisip niya. Siguro nga isa s anga bagay na gusto ko sa kanya ang bagay na 'yun.

Ang mga araw ay naging mga linggo na naging mga buwan at hindi ko na nga mapigilan anag aking sarili na hindi siya gustuhin. Kahit sino naman, hindi ba? Naanasan ko na ito dati; ang magkagusto pero natatakot pa rin ako. Sigura nga, natatakot lang ako na hindi pareho ang nararamdaman niya para sa akin. Ang gustuhin siya ng palihim ang tanging magagawa ko. Kung tutuusin ay pagbabasa at kape lang naman ang tanging bagay na nagbibigay koneksyon sa aming dalawa.

"May nagugustuhan ka na ba?" ang tanong sa akin ni Lucas nang minsang lumabas kami upang magkape habang ginagawa ang aming kanya-kanyang gawain. Kasalukuyan akong nakatitig sa kalsadang gawa sa mga pulang ladrilyo bago napatingin sa kanya. Heto na naman siya sa mga pabigl-bigla niyang pagtatanong ngunit hindi ko inaasahan ang ganitong klase ng tanong mula sa kanya.

"Wala. Bakit mo naman naitanong?"

"Gusto ko lang malaman," ang paliwanag naman niya sabay ngiti. Umihip ang hangin kaya naman pinanood ko ang ilang hibla ng kanyang buhok na magulo. "Pero may napupusuan ka na ba?"

Ikaw. Ito ang tanging salita na gusto kong sabihin sa kanya ngunit wala pa rin akong lakas ng loob upang sabihin sa kanya ang tunay kong nararamdaman. "Wa— Ah, ang totooo niyan ay nagkakagusto na nga ako sa isang tao."

"O, sino siya?" ang madali naman niyang tanong.

"At bakit ba biglaan ka na lang nagkainterest?" ang tanong ko pabalik.

"Hindi ba't sinabi ko naman na gusto ko lang malaman," ang muli niyang tugon. "Gusto kong malaman kung sino at kung anong klaseng tao 'yun para makita ko kung bagay kayong dalawa."

"Sa tingin ko ay kailangan mo lang ng kape," ang komento ko nang makapasok kami sa coffee shop kung saan kami unang nagkakilala. Dumereto naman ako sa pila.

"Bakit parang pakiramdam ko, iniiwasan mo ako," ang komento niya.

"Hindi kaya," ang pagsisinungaling ko. "Kung puwede lang, gusto kong kumuha ng kape," ang wika ko. Hinila naman niya ako palayo mula sa pila.

"Maghanap ka na lang ng mauupuan natin," ang wika niya sa akin. "Ako na ang kukuha ng maiinom natin."

"Sige," ang pagpayag ko naman. "Akin na 'yang mga gamit mo." Ibinigay naman niya sa akin ang kanyang bag. "Ano bang nasa loob nito?" ang reklamo ko. "Bakit napakabigat?"

"Ilang libro," ang tugon niya. Napatingin naman ako sa paligid ng café at nakahanap ng magandang lugar kung saan kami makakapag-aral nang tahimik. Inilabas ko naming ang aking libro sa Legal Research and Writing subject at nagsimulang magbasa. Pagkatapos ng ilang minute, dumating si Lucas.

"Here's your coffee," ang wika naman niya sabay lapag ng kape ko sa tapat ko.

"Salamat."

"Hindi rin siguro makakasama ang kumain din tayo ng cake, di ba?" ang dagdag niya bo itinabi ang isang platito ng strawberry shortcake sa tabi ng aking inumin."

Written in the Stars (Taglish Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon