Xean's POV
Nagta-type ako nang lumipat ang mga mata ko mula sa screen monitor papunta sa singsing na suot ko. It has been weeks since Marky asked my hand for marriage. I can't believe even the agents of various departments were onboard with his plan of proposing to me. Hindi ko lang maiwasang mapangiti. Tumayo ako at lumabas ng opisina ng Council of Gigolos.
Dumiretso ako sa lobby para kumuha ng kape. It has been months already and I'm still into the cold drink that Marky has introduced me. Babalik na sana ako nang may nakita akong pamilyar na pigura na nakaupo sa isa sa mga bench. Si Lucas na nakaidlip.
Palagi naman siyang ganito. Dahan-dahan akong naglakad papunta sa kanya. Aabutin ko na sana ang kanyang balikat niya nang may humawak sa pulso ko at hinila iyon. Nilingon ko ang mukha ko at nakita ko si Marky.
"Stop being concern about him," bilin niya sa akin.
Napangiti ako nang makita ang inis sa mukha niya. "Nagseselos pa rin ba?"
"Oo," pag-amin naman niya. Hinawakan ko naman ang kamay niya at pinisil ito.
"Let's go," sabi ko bago siya hinila palayo. Sinulyapan ko si Lucas ng isang huling beses bago itinuon ang buong atensyon sa aking mapapangasawa. "You already have me. Stop being jealous. And I've already realized that I'm over him."
"So, paano mo malalaman na tapos na talaga ang lahat?"
"Kapag mas mahal mo na ang mga alaala," paliwanag ko. "higit pa sa taong minahal mo." Tumango siya at ngumiti. "Alam mo naman kung bakit siya narito diba?"
"Hangga't walang kinalaman sa'yo, wala akong pakialam."
"Pero narito siya para sa akin."
"A-ano?!" bulalas niya.
"He's here for the tria;," paglilinaw ko. "Tigilan mo na ang pagiging overdramatic."
"Anyway, I will be filing a vacation leave for a week," wika niya. "I needed to sign some papers on behalf of us. Plus, I'd be seeing the wedding planner."
"I'm sorry hindi kita matutulungan sa paghahanda," paumanhin ko.
"You don't need to apologize," sagot niya habang pinisil ang kamay ko. "I'm willing enough to do it for us. And I also want to surprise you with the wedding gown that I have chosen for you."
"W-wedding gown?!" gulat kong ulit.
"Well, 'yan ang makukuha mo sa hindi pagsama sa akin," sagot niya.
"I thought it's clear between the both of us na hindi ako makakapunta kasi maramipa akong kailangang gawin."
"I know but I don't appreciate the fact na inuuna mo ang trabaho mo bago sa mapapangasawa mo." Kumunot ang noo ko at tinitigan siya. "Pero may isang paraan para makabawi ka."
"Ano?" tanong ko naman.
"Kiss me," sagot niya.
"You're such a kid," I remarked pero lumapit ako sa kanya at hinalikan siya. Bumukas naman ang elevator.
"Kayong dalawa at ang elevator," sabi ni Ma'am Melai habang papasok sa elevator. "Naku. Nasanay na ako. Sana manatili kang ganyan."
Napangiti kami ni Marky. Bumaba siya ng elevator pagdating namin sa third floor. Lumabas ako sa ikalima kung saan matatagpuan ang Hall of Truth. Naroon na ang lahat ng agents na kailangan ko para itala kung ano ang mangyayari ngayon. Pumunta ako sa harap at umupo. Hinintay ko si Lucas at ang kliyente niya. Maya-maya pa, bumukas naman ang pinto, kasunod ng pagpasok nina Lucas at Sarah.

BINABASA MO ANG
Written in the Stars (Taglish Version)
RomanceDISCLAIMER: This novel is not related to I'm in Love with Mr. Kimchi in anyway. It has been more than a year since Xean and Lucas ended their seven year relationship. Lucas needed to fly to Korea while Xean started working as the Head of the Legal...