Xean's POV
Lumabas na rin ako mula sa mini-office ko sa Legal Department para bumalik sa opisina ng Council of Gigolos. Hindi ko maiwasang mapatingin kay Marky na tahimik na nag-aayos ng mga papel. He should have taken this day off for his birthday. Lumipat ang mata ko kay Celine na nakatingin sa akin. Nginitian ko siya bago muling tumingin kay Marky. Nagtungo ako sa bintana kung saan pinagmamasdan ko ang matandang puno ng banaba. Ang mga bulaklak ay namumukadkad napuno na ang puno ng kulay rosas na tayutot. It was a really beautiful view.
"Ang ganda, hindi ba?" tanong ni Liyana nang tumabi siya sa akin.
"Tama," nakangiting sagot ko. "Sa wakas nakita ko nang namulaklak ang punong 'yan."
"Kung ganun, dapat mong bisitahin ang legal na departamento nang madalas," komento niya. "O baka naman... may iniiwasan ka?"
Tumingin ako sa kanya akasabay ng pagkunot ng aking noo. "At sino ang dapat kong iwasan?" tanong ko .
"Isang taong malapit sa'yo," sagot niya.
"As if naman may malapit talaga sa akin dito," pang-aasar ko.
"Council Xean," seryoso niyang pagtawag. "It's okay to break down your walls sometimes and be honest with what you truly feel. Gusto mo siya, 'di ba?" tanong niya. Buntong-hininga na lang ang kaya kong gawin. Nagsisimula na siguro akong magkagusto kay Marky. At na-realize ko ang nararamdaman ko ngayong malinaw na sa akin na mabait lang siya.
"Hindi naman na 'yan mahalaga," komento ko. "I don't want to go chasing pavements, Liyana. I'm fed up taking risks which lead me to nowhere. Anyway, babalik ako sa opisina ng Council of Gigolos. Marami pa akong kailangang tapusin na papeles."
"Anyway, Council Xean." Aalis na sana ako pero lumingon ako sa kanya. "As you know, birthday niya ngayon and it's a tradition that we celebrate after work."
"Kailangan ko ba talagang pumunta?" tanong ko.
"Well, technically, ikaw pa rin ang boss niya," tugon niya. "Pero maiintindihan namin kung gusto mong iwasan siya at ang nararamdaman mo."
"Hindi ako umiiwas ng sinuman," sagot ko. "Medyo busy lang ako."
"Oh, naiintindihan ko," ang sarkastiko namang sagot niya. "No need to feel pressure, Council Xean."
"Alam ko ang ginagawa mo, Liyana," komento ko. "Fine. I'll go," pagsuko ko bago tuluyang lumabas ng Legal Department at bumalik sa opisina ng Council of Gigolos. Ipinagpatuloy ko naman ang pagtapos sa mga sinimulan kong trabaho. Sa kalagitnaan ng pagbabasa ko ay nag-ring ang phone ko. Tumigil ako sa ginagawa ko at sinagot ang video call. Maya-maya, nakita ko ang mukha ni Raena sa screen.
"Yes?" tanong ko agad pagkasagot ko.
"Council Xean, narito na ako sa men's section," wika niya. "Pero hindi talaga ako magaling pumili ng tie na bibilhin ko. Kailangan ko ng tulong."
"Sige," pagpayag ko. "Pakibigay ang phone mo sa sales staff?"
"Sure, Council Xean," sagot niya bago anabot ang phone niya sa staff. Sinimulan kong kausapin ang staff ng mga necktie na nasa isipan ko. Pagkatapos ay ipinakita niya sa akin ang ilang mga kurbatang inirekomenda niya. Sa huli, pumili ako black and gray pinstriped Tom Ford tie. I think it would look good on him and he can just match it with any shirt and suit na gusto niyang isuot. Bukod sa kurbata, hiniling ko rin sa taff na ipakita sa akin ang ilang tie pins na benta nila.
Sumapit na nga ang hapon...
"I'm heading out," anunsyo ni Council JC habang isinara niya ang kanyang laptop.
BINABASA MO ANG
Written in the Stars (Taglish Version)
RomanceDISCLAIMER: This novel is not related to I'm in Love with Mr. Kimchi in anyway. It has been more than a year since Xean and Lucas ended their seven year relationship. Lucas needed to fly to Korea while Xean started working as the Head of the Legal...