Xean's POV
"Para kang isang high schooler," ang komento ko.
"Bakit? Kasi mukha akong bata?" ang reaskyon niya.
"Hindi. Isip-bata ka lang talaga," ang paglilinaw ko sabay tawa.
"Council Xean, mukhang mali ang pagkakakilala mo sa akin."
"Talaga lang, ha?" reaksyon ko. "Medyo nahihilo pa ako dala ng travel sickness ko. Tingin ko ay kailangan ko munang umidlip. Gisingin mo na lang ako kapag nakarating na tayo."
"Sige, Council Xean," pagpayag niya sabay ngiti . Pumesto naman ako sa aking upuan at isinara ang aking mga mata upang umidlip, umaasang mas maging maayos na ang aking kalagayan. Kahit na gusting-gusto kong bumibisita sa mga ibang lugar; hindi ko pa rin maiwasan ang mga ganitong sitwasyon. Mukhang pagidlip na ang huli kong pagpipilian. Kaagad din naman akong nakaidlip dala ng hilo.
IT smells like someone just gotten out of the shower. Sobrang lapit ng pinanggagalingan ng amoy kaya naman napamulat ako ng mga mata. Nasa loob pa rin ako ng bumabyaheng bus. Ramdam ko ang malamig na buga ng hangin mula sa AC. It really feels comfortable. Kaagad naman akong umayos nang mapagtanto na nakapatong ang aking ulo sa balikat ni Marky. Napatingin naman si Marky sa akin. "Gising ka na."
"Pasensya ka na," ang paghingi ko ng paumanhin.. "I didn't mean to invade your space. Nangawit ka ba?"
"Hindi naman," ang tugon niya. "Para kang rocker kanina."
"Talaga?"
"Oo," ang pagkumpirma niya. "Tumatango ka nang parang ganito." Ginaya naman niya ang pagtango ng ulo ko habnag tulog. "Nagco-concert ka ba sa panaginip mo?"
"Marky, tumigil ka," ang natatawa kong pagsuway. Geez, this guy. Marunong na siyang makipagbiruan sa mga oras na nasa Legal Department siya. Mukhang binago siya ng Powerpuff Girls. "Komportable ka na akin, ano?"
"Hindi ba puwede?" ang tanong niya pabalik.
"Okay lang," ang tugon ko. "Pero baka isipin ng Legal Department na nagde-date tayo."
"Okay lang sa akin," tugon niya.
"Ha?"
"Kung iisipin mo, okay lang sa akin Titigil na ang ibang mga babae sa kalalapit sa akin." paliwanag niya.
"Hindi mo ba gusto 'yun?"
"Hindi na. Tulad nga ng nasabi ko dati... hindi na ako naglalaro."
"Pero... paano kung isa sa kanila ay magustuhan mo?"
"Sigurado akong wala sa kanila ang magugustuhan ko."
"Paano ka naman nakasigurado?"
"Dahil may gusto na akong iba," ang pag-amin niya. Alam k ana ang tungkol dito pero hindi ko pa rin naiwasana ang mapanganga.
"Ang rason kung bakit ka lumipat sa Legal Department.
"I invoke my right to remain silent," tugon niya. "Anything I say can be used against me in a court of law."
"Seryoso ka? Gagamitin mo talaga ang Miranda Rights laban sa akin?" Napagiti naman siya. "Well, puwede mo akong kuninh attorney."
"Nah. Kailangan ko galing sa Public Attorney's Office," ang tukso niya.
"Akala ko ba magkaibigan tayo?" ang komento ko. "Gusto ko lang naman malaman. Bakit ayaw mong sabihin sa akin? Malay mo, baka maging tulay pa ako."
"Kaya ko, Council Xean," ang pagtanggi niya. "Pero salamat sa pag-alok."
BINABASA MO ANG
Written in the Stars (Taglish Version)
RomanceDISCLAIMER: This novel is not related to I'm in Love with Mr. Kimchi in anyway. It has been more than a year since Xean and Lucas ended their seven year relationship. Lucas needed to fly to Korea while Xean started working as the Head of the Legal...