Chapter Twenty-eight: Fire

91 5 1
                                    


Xean's POV

Pumalakpak naman ang lahat nang matapos magsalita si Marky.

"Fifteen million!" ang sigaw ng isa sa kanila. Natawa kaming lahat sa aming narinig.

"Twenty million!" ang sigaw pa ng isa sa kanila na tila ba nasa Adonis Gala kami. Isa ito sa mga dahilan kung bakit gusto kong nagta-trabaho sa Legal Department; nakakahanap kasi ang mga miyembro ng pagkakataon para magbiro at gawing positibo ang sitwasyon.

"Thirty million!" ang pagsali ko. Natahimik naman sila at napatingin sa akin bago ako sinimulang tuksuin.

"Sold!" ang sabay-sabay naman nilang tugon. Naramdaman kong ang-init ang aking mga pisngo samantalang nagtakip naman ng mukha dahil sa hiya.

"Kayo talaga!" ang reaksyon ko. "Hintayin niyong makabalik tayo sa RnJ; overtime kayo ng buong linggo!"

"Council Xean!" ang reklamo nila bago tumawa.

"Since nakapagpakilala naman na ang lahat," ang singit ni Raena. "Let's proceed with our next set of activities. Hindi lang natin kikilalanin ang isa't-isa, you also need to compete with each other."

Napakunot naman ako ng noo nang marinig 'yun.

"Oh, no," ang wika ko sa aking isipan.

"Sa bawat laro ay mabibigyan ka ng points na ita-tally naming sa huli," ang dagdag ni Raena. "Pagkatapos ng dalawang araw nating teambuilding ay may mananalong overall champion." Lahat naman ay natahimik; mukhang karamihan sa amin ay hindi nasasabik sa kung ano mang hinanda nilang mga palaro. "But wait, there's more," ang sunod na tukso ni Raena. Kaagad namana kong na-curious nang makita kung ano ang papalapit; may bitbit sila Aljon at Aljude na kahon at inilapag sa tapat ni Raena. "Siyempre, sa bawat kompetisyon ay may mananalo. The winner, besides the bragging rights, will surely bring home what's inside this box."

"Anong laman?" ang tanong ng isa sa amin.

"Sikreto muna," ang tugon ni Raena. "Kung gusto niyong malaman kung anong nasa loob ng kahon; gawin niyo ang lahat ng makakaya niyo para maging overall champion."

Napapaisip na nga ako kung anong laman ng kahon na 'yun pero hindi ako sigurado kung worh it bang mag-effort sa isang bagay na walang kasiguraduhan. Napasulyap naman ako sa mga teammate ko; may apoy sa kanilang mga mata.

"Mananalo tayo," ang wika naman ni Jab sabay tingin sa amin. "Are you with me?" ang tanong niya bago inilagay ang kanyang kamay sa harapan namin.

"Siyempre," tugon naman ni Marky sabay patong ng kamay niya sa kamay ni Jab.

"Ako rin," ang wika nila Liyana at Jace sabay patong din ng kanilang mga kamay.

"Asus, ako rin!" wika ni Johnson. Napatingin naman silang lahat sa akin. "Council Xean? Game ka rin naman, di ba?"

"May iba pa ba akong pagpipilian?" ang retorikal kong tanong.

"Wala," ang sabay-sabay naman nilang tugon. The spirit of competition has already kicked in them.

"Okay, okay. Kailangan talagang maging bayolente?" Awkward ko namang ipinatong ang aking kamay.

"Go Council Xean and Minions!" ang sigaw nila na tila ba kasali kami sa Olympics. Napatingin naman ako sa mga kasama ko. Hindi ko sigurado kung may pag-asa ang aming team na manalo pero wal naman akong ibang magagwa kundi ang makisali at tulungan sila. Ano mang mangyari; at least, we tried.

"So, handa na ba ang lahat para sa una nating laro?" ang tanong ni Raena.

"Handa na!" ang sabay-sabay na wika nilang lahat... and thenm there was me, sinusubukan pa ring pantayan ang kanilang energy. Ang akala ko ay makakapag-rela ako pero...

Written in the Stars (Taglish Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon