Xean's POV
"Ngayon na?" tanong ni Liyana.
"Oo," sagot ko. "Gusto kong makausap si Marky at bigyan siya ng pangalawang pagkakataon."
Natuwa sila nang marinig iyon. "MarXean for the win!"
"Ano?" reaksyon ko na ikinatawa nila. "Martian?"
"Ship name," paliwanag ni Jace. "Parang love team."
"Geez," bulong ko. "Anyway, I have to go."
Umalis ako sa satellite office at bumalik sa hotel. Pagkatapos kong mag-impake ng mga gamit ay pumunta ako sa istasyon ng bus at bumili ng tiket ng bus papuntang Maynila. Habang nasa bus, sinubukan kong tawagan si Marky. In-unblock ko siya sa lahat ng social media accounts ko at nag-message sa kanya. Walang updates sa social media accounts niya simula nung nakipaghiwalay ako sa kanya kaya wala akong clue kung nasaan siya. Pakiramdam ko ay naging matagal ang biyahe; mas matagal kaysa sa karaniwan. I badly wanted to see Marky and tell him how much I miss him. Na handa akong sumubok ulit kasama siya.
Pagdating ko sa terminal ng bus ay pumara agad ako ng taxi at dumiretso sa apartment ni Marky. Naalala ko na naman ang araw na nakita ko sina Natalia at Marky. Natatakot ako na wala na akong babalikan. Nasa akin pa ang susi ng apartment na ginamit kong pagbukas ng pinto. "Marky!" pagawag ko agad pagkapasok ko pero katahimikan ang sumalubong sa akin. Dumiretso ako sa kwarto niya. Walangkatao-tao. Lumabas ako ng apartment niya at tumingin sa paligid. Wala pa ang sasakyan niya. Hindi ba dapat nakarating na siya,'di ba?
Kung wala siya rito; then, baka nasa head office siya. Hinila ko ang aking bagahe pababa sa hagdan at pumara ng panibagong taxi papuntang RnJ.
"Good morning, Council Xean," bati sa akin ng mga agent, halatang nagtataka dahil may hatak-hatak pa akong bagahe. Binagtas ko ang lobby hanggang sa makarating ako sa elevator. Mabilis akong naglakad papunta sa hallway na para bang may humababol sa akin. Pagdating ko sa legal department, napatingin ako sa table ni Marky. Wala siya dun. Napatingin ako sa paligid at hinanap siya. Wala siya. Tinanong ko ang isa sa mga agents doon kung dumating si Marky at kung kinuha niya ba ang kanyang mga gamit pero hindi nga siya dumating.
Hinila ko ang bagahe ko papasok sa mini-office ko at iniwan ito roon. Papasok na sana ako sa elevator nang makasalubong ko si Council JC.
"Bakit ka narito?" gulat niyang tanong nang makita ang presensya ko roon. "Akala ko nasa Baguio ka."
"I was. Your car keys," sagot ko.
"Ano?"
"Yung susi ng kotse mo, pahiram," paliwanag ko. "May kailangan akong puntahan."
Hindi naman siya nagtanong pa, inihagis niya ang susi na siya kong sinalo bago dumiretso sa elevator. Isang lugar na lang ang naiisip ko at umaasa akong nandoon siya.
Gamit ang sasakyan ni JC, nag-drive ako hanggang sa bahay ng mga magulang ni Marky. Totoo nga ang nasa isipan ko, nandoon ang sasakyan niya at may natitira pang liwanag ng pag-asa akong naramdaman. Sa wakas ay makakausap ko na siya at maaayos na rin namin ang aming relasyon. Pinindot ko ang doorbell at naghintay. Maya-maya, may bumukas ng pinto.
"X-Xean," pg agad ng kanyang ina nang makita ako. "Ikaw pala." Niyakap niya ako nang mahigpit na para bang isa niya akong anak na matagal ng nahiwalay.
"Yes, Ma," nahihiyang sabi ko. Oo, sa sandaling malaman nila ang lahat tungkol sa aming relasyon. Sinabihan ako ng parents ni Marky na tawagin ko rin silang ganun. "I'm sorry," paghingi ko ng tawad.
"Narinig ko ang nangyari," bulong niya. "Naku, hindi mo alam kung gaano umiyak ang munchin ko sa mga bisig ko noong tinapos mo ang relasyon niyo."
Tumango ako. "Kaya ako narito, Ma. Gusto ko siyang bawiin sa buhay ko."
BINABASA MO ANG
Written in the Stars (Taglish Version)
RomanceDISCLAIMER: This novel is not related to I'm in Love with Mr. Kimchi in anyway. It has been more than a year since Xean and Lucas ended their seven year relationship. Lucas needed to fly to Korea while Xean started working as the Head of the Legal...