Xean's POV
"Puwede naman," ang tugon ni Marky sabay tawa. 'Pero sa ibang araw na lang, Council Xean."
"Alam mo" ang reaksyon ko. "Wrong timimng kang magpaka-KJ," komento ko. Kinuha ko namang ang baso ng aking inumin ngunit kaagad din naman akong natigilan nang mapagtantong wala na itong laman. "Wala nang alak?"
"Kuhanan kita, Council Xean." Kinuha naman ni Marky ang basong walang laman bago nagtungo sa bar area. Puwede naman siyang magtawag ng waiter pero... sa bagay, bahala siya. Tumayo naman ako at sinundan siya. Tinapik ko ang kanyang balikat nang nasa likuran na niya ako. Kaagad din naman siyang lumingon.
"Council Xeab, ikaw lang pala," wika niya. "Kao-order ko lang ng inumin mo. Andiyan na rin 'yun mamaya-maya."
"Sa labas tayo," ang yaya ko. "Gusto kong magpahangin."
"Sure," pagpayag naman niya.
"Hintayin kita sa labas," paalam ko bago lumabas. May mga ilang mesa sa labas. Naglakad pa ako hanggang sa may makitang bangko katabi ng nailawang halaman. Naupo namana ko roon at napatingin sa kalangitan. Tila ba sumasayaw ang mga bituin sa ritmo ng awitin na nanggagaling sa loob. Sa tuwing titingin ako sa kanila ay palagi kong naaalala si Lucas. Napapaisip ako kung kamusta na siya at kung tumitingin pa rin ba siya sa kalangitan. Kung naaalala niya pa ba ako kahit minsan? Pero alam ko naman na 'yung kasagutan; I'm just still in denial up until now.
"Council Xean," pagtawag ni Marky. Napatingin naman ako sa kanya; may bitbit naman siyang bote ng beer at baso ng cocktail. Inabot naman niya sa akin ang cocktail.
"Ano 'to?" tanong ko.
"Mojito," ang tugon niya.
"Ang Killjoy mo," komento ko sabau tingin ko sa inumin.
"Council Xean, kanina ka pa umiinom ng hard drinks," ang paalala niya sa akin. "Mas makabubuti sa'yo na magdahan-dahan lang."
"I know my alcohol, bae," ang wika ko sabay tawa. I'm indeed intoxicated. Napangiti naman siya at tumango. "Bakit palagi mo 'yang ginagawa?"
"Ginagawa ang alin?" ang tanong naman niya pabalik?"
"Ang ngumito na parang wala kang problema sa mundo," ang tugon ko. "Nakakainis kang pagmasdan. "You're like a ray of sunshine."
"Marami akong problema, Council Xean," ang pagtatama naman niya. "Hindi ko lang hinahayaan ang sarili ko a malunod sa mga ito. Masyadong maiksi ang buhay para malungkot."
"Huh," ang reaksyon ko. "Sana ganyan din ako mag-isip."
"Puwede naman," tugon niya. "Naalala mo ba yung nag-usap kayo ni Miss La Diva?"
Napailing naman ako. "Maraming pagkakataon at lahat ay hindi maganda."
"Hindi mo kalaban ang mundo. Council Xean," ang paalala niya sa akin. "Oo, naroon na tayo na hindi naging maganda ang buhay pag-ibig mo pero huwag mong gawing dahilan 'yun para pigilan ka sa paghanap ng mga bagay na magpapasaya sa'yo."
"Kailan ka pa naging isang guidance councelor?" ang tukso ko.
"Hindi naman kasi ako guwapo lang," pabiro niyang sinabi.
"Guwapo ka," ang nakangiti kong pagkumpirma.
"Naiin-love ka na ba sa akin?' ang nakangiti niyang tanong. Alam ko naman na nagbibiruan lang kaming dalawa.
"Kasi guwapo ka?" ang tanong ko pabalik.
"Oo?"
"Hindi," ang malamig ko namang sagot. "Hindi lang ako basta-basang nai-inlove sa guwapo. Nasa punto na ako ng buhay ko na hindi na ako naa-attract sa mga guwapo lang. Kapag nakakakita ako; minsan ang weir kasi naiisip ko ang sarili ko. Magiging maayos ba lahat ng aspeto ng buhay ko kung mas naging guwapo ako katulad ng iba.
BINABASA MO ANG
Written in the Stars (Taglish Version)
RomansDISCLAIMER: This novel is not related to I'm in Love with Mr. Kimchi in anyway. It has been more than a year since Xean and Lucas ended their seven year relationship. Lucas needed to fly to Korea while Xean started working as the Head of the Legal...