Xean's POV
Marky is taking his time in the shower, giving me more time to prepare. Maya-maya pa ay lumabas na siya ng shower room. Inaayos ko ang buhok ko nang nabaling ang atensyon ko, nalipat ang tingin ko sa kanya. Pangatlong beses na ito pero hindi lang ako masanay na makita ang hubad niyang katawan. Walang iba kundi tuwalya lang ang nakapulupot sa bewang niya.
"Magbibihis lang ako at magpapatuyo ng buhok," sabi niya sa akin bago kinuha ang kanyang travel bag at naglalabas ng ilang damit.
"S-sure," sagot ko. Hindi ko sinasadyang pagmasdan siya mula sa kinauupuan ko. Unti-unting nalaglag ang panga ko nang simulan niyang tanggalin ang tuwalya. Hindi, I shouldn't invade his privacy. Pinikit ko ang mga mata ko at saka tumalikod. Sinubukan kong huminga at pakalmahin ang sarili ko. Isang pagkakamali na sa iisang kwarto kami nailagay ni Marky.
Susko! Ayokong gumawa ng kasalanan. Pero... nagbibigay ng blessing si God ngayon, 'di ba? Dahan-dahan kong inikot ang ulo ko para sumilip. Kasusuot niya na ng kanyang pantalon; I watched him zipped his pants. Hahawakan na sana niya ang shirt niya nang huminto siya at tumingin sa direksyon ko.
"Ayos ka lang ba?" tanong niya. "Bakit ganyan ka makatingin sakin?"
"Ah..." Anong sasabihin ko? "Uhm, yung pantalon mo! Tama."
"Bakit yung pantalon ko?" tanong niya habang nakatingin sa suot niya. "Pangit ba? Hindi ba bagay sa akin?"
"Ay, hindi. Hindi naman sa ganun," paglilinaw ko. "Bagay sa'yo" dagdag ko. "Lalo na yung view sa likod."
"Talaga?" ngumiti siya ng mapaglaro habang dahan-dahang tumango.
"Anyway, saan mo nabili?"
"Hindi ako sigurado," sagot niya. "Sa isa sa mga tindahan sa shopping mall yata."
"I see." Nagpatuloy siya sa pagbibihis habang ako ay nakatingin sa labas ng bintana. Ang sunod kong narinig ay ang tunog ng hair dryer. Ang silid ay napuno ng isang pamilyar na pabango; ang ginagamit niyang hair wax.
"I'm ready," anunsyo niya pagkalabas niya ng restroom. Napatingin ako sa kanya.
"Wow," utal ko. "Para kang makikipag-date," sabi ko.
"Hindi ba 'yun naman ang punta natin?" pang-aasar niya.
"Marky, itigil mo na yang ganyang biro" bilin ko sa kanya. "Hindi mo ba alam ang kumakalat na tsismis sa RnJ?"
"Anong tsismis?"
"Na ikaw at ako ay nagde-date," paliwanag ko.
"Oh," reaksyon niya.
"Hindi ka ba naaabala?"
"Hindi," sagot niya. "Ikaw ba?"
"Oo," sagot ko. "Hindi para sa akin kundi para sa'yo."
"At bakit naman?"
"I'm queer at straight ka," sagot ko.
"Hindi."
"Hinding...?" Inulit ko sa pagtataka. "ano?"
"I'm bi," pag-amin niya.
"Talaga?!" gulat kong reaksyon na ikinatawa niya. Tumango siya. "Alam ba ng lahat?"
"Hindi naman," sagot niya. "Hindi ako ganoong klase ng tao. I don't rub my sexuality on people's faces."
Ngayon ko lang na-realize kung bakit hindi talaga siya apektado ng mga tsismis na kinasasangkutan namin. "Okay, pero hindi ka ba affected na nali-link ka sa akin?"
BINABASA MO ANG
Written in the Stars (Taglish Version)
RomanceDISCLAIMER: This novel is not related to I'm in Love with Mr. Kimchi in anyway. It has been more than a year since Xean and Lucas ended their seven year relationship. Lucas needed to fly to Korea while Xean started working as the Head of the Legal...