Naku gutom pa ata ako.
Buong araw lang kami nagtambay sa bahay ko. Payag naman sila Mama, katropa ko din naman sila e. Hahahaha.
Palipat lipat lang kami, sala, entertainment room, sala, entertainment room, cr, sala, entertainment room, sala, kwarto ko, entertainment room, kwarto ni Ella, sala, entertainment room, yayabonels's room, sala chuchucharu.
Grabe na ang jam namin ngayong mga nakaraang araw, kasi naman aalis si Kokoy in 3 days. Pupuntang Canada. Sakit sa somatic cells huhu di niya pa daw alam kung kailan babalik.
* * *
"Darven. Aalis daw si Kyle?" Tanong ni Mama. Kumakain kami ng hapunan.
"Sinong Kyle, Ma?" Kyle? Kyle-an, kyle-an kyle-an mo ba mapapansin ang aking himig~
"Si Kuya Kokoy!" Sagot ni Ella. Tumaralsik pa ang kanin sa bibig niya pagsalita. Baboy.
"Kyle pangalan niya?!" Nabigla kong sabi. Akala ko talaga Kokoy pangalan nun. Pambiriha.
"Tanga naman neto! Pangalan ng sariling barkada mo hindi mo alam! Taksil!" Lumagay ako ng ulam sa kutsara ko at tinapon ito sa mukha ni Ella.
Dinuguan pa naman ulam namin hehe
"Ew! Mommy! Si Koya!" Pagsusumbong ni Ella habang pinupunasan mukha niya. Hahahaha parang putik ang nasa mukha niya, gatas na choco?
"Ikaw ba si Mama? Hala bagita!" Pang aasar ko.
"Darven. Ella. Behave." Sabi ni Dad.
"Ano kami, mga aso?" Tanong ni Ella.
"Poging aso." Tapos nagpogi pose ako. Bumelat sa'kin si Ella. Tss.
Ipapatapon ko siya dyan sa Indonesia!
"Teka nga, aalis si Kyle di ba?" Tanong ulit ni Mama. Ay hindi ko pa nga pala nasasagot tanong niya. Hihi.
"Ofoe. Aalis foe siya. Foefoenta siya sa Canada." Sagot ko.
"Oh pano na yan. Kulang na ang tropa." Sabi ni Dad na parang concerned man kuno.
BINABASA MO ANG
Pierced Heart [KN]
Fanfiction"Don't make me choose because I know you won't like my choice."