Darven's POV
Pagkatapos naming magrakrakan, natulog na'ko. Kapagod kaya.. Grabe madaling araw na natapos yung party, dumating pa kasi ang tropa kaya ayun mas lalong naging wild.
Idagdag niyo pa si bruha este Pink hehehe.
Nagising ako bigla nang tumunog cellphone 'ko. Tiningnan 'ko ang orasan, 10:11 na agad?! Parang 10 minutes lang naman yung tulog 'ko? Binasa 'ko ang message, ay si Maggie ang nagtext.
From: Magic Sarap
U awake yet? :*
Nagreply ako.
Me
Oo na. Date?
From: Magic Sarap
Sure, where?
Tawagan 'ko nalang kaya jusko nakakapagod magtext.
Maggie's POV
Nagring cp 'ko. Sinagot 'ko ang tawag.
[Good morning babe.] Bungad sa'kin ni Darven, shet raspy voice. Halatang kagigising niya palang. OMG.
"Hi." Yun nalang ang nasabi 'ko.
[***** Cafe, love. I'll be there in 30 minutes.] Tapos binaba na niya yung telepono.
First date?
Dali-dali akong naghalungkat sa wardrobe 'ko, ano bang susuotin 'ko?
Hindi 'ko namalayan na 20 minues na'kong naghahanap ng damit. Oh shit, I only have 10 minutes left. Sinuot 'ko nalang yung black and white stripes 'ko na tee, gray shorts at black na Vans. I also wore my nerdy glasses, wala akong suot na accessories eh. Okay na yan.
The clothes won't really matter if he loves me that much, di ba?
Kinuha 'ko na yung bag 'ko at nagpabango. Bumaba na'ko at saktong pumasok na sa pinto ng bahay si Darven. I guess Mom already met him, siya kasi yung bumukas ng pinto.
"Maggie, so siya si Darven? Napakagwapo mo naman iho." Sabi ni Mom na parang kinikilig.
"Mom stop it." Saway 'ko naman.
Ngumiti naman si Darven at kumindat sa'kin. "Tara na." Yaya niya at inakbayan ako. Naramdaman 'ko naman na uminit ang pisngi 'ko. "Uh Mrs. Lindel, alis na po kami." Tumango naman si Mom at kumaway sa'kin nang nasa loob na'ko ng sasakyan ni Darven.
"Haba ng hair mo." She mouthed. I rolled my eyes at her and smiled. Pinaandar na ni Darven yung sasakyan at nagsimula nang magdrive.
BINABASA MO ANG
Pierced Heart [KN]
Fanfiction"Don't make me choose because I know you won't like my choice."