Hindi ito Chapter 7

218 10 2
                                    

a/n - Mind the drama~



Binitbit 'ko na yung dalawang basket ng damit at bumaba na.


Ganyan talaga si Mama, kung hindi siya nagtatrabaho, tumatahi siya ng mga damit. Yung iba mga nilumaan 'ko, inaayos niya nalang. Yung mga dating damit din ni Ella, pinapamigay. Pati nga briefs 'ko, dinodonate rin kaya nga minsan kapos ako sa salawal, presko naman eh hehehe joke.


Matagal na namin 'tong ginagawa, di pa daw ako pinapanganak, nagdodonate na sila. Galing noh? Syempre pamilya 'ko yan.


Sinakay 'ko na sa kotse 'ko yung mga basket at nagmaneho papunta don sa squatter's area.



"ANDITO NA SI KUYA GWAPONG POGI!" Sigaw nung isang bata. Nagtakbuhan ang mga bata palapit sa'kin.


Kilala na'ko dito e, mga katropa 'ko kaya 'to hehe. Dito ako minsan nagtatambay kung boring o kung may tinatakasan akong mga chicks haha!


"Yo yo yo! Musta na kayo?" Bati 'ko.



"Mabuti naman Kuya Gwaps!" Sabi ni Kissy.


"Maganda pa rin po! Hihi!" Sabi naman ni Kyla.


"Kuya! Kuya! Nahulog na yung ngipin 'ko oh! Tignan mo!" Sabi naman ni Jecko tapos binukas niya nang malapad yung bibig niya. Ayun, natanggal na yung ngipin niya sa harap.


"Hahaha! Very good! Pero... bungi ka na nyan." Sabi 'ko tapos kinarga siya.


"Okay lang yan Kuya. Gwapo pa rin naman ako!" Ngee! Nahawaan 'ko na sila ng kahanginan 'ko. Tsk iba talaga kapag gwapo.


"Hahaha! Parehas tayo!" Nag-apir kami tapos binaba 'ko na siya.


"Mga katropa! May dala na naman akong damit! Wait lang ha." Sabi 'ko. Bumalik ako sa kotse at kinuha yung mga damit.



Nilapag 'ko yun sa sahig at umupo doon sa semento.


"Oh sige sige! Pila na pila! Sa kanan ang mga dyoso, sa kaliwa naman ang mga dyosa!" Sabi 'ko. Tulakan pa sila sa pagpila hahahaha ang cucute.



Isa isa 'ko silang sinukatan ng damit, tinatanong 'ko muna kung gusto nila yung damit para makahanap pa'ko ng mas maganda. Syempre kailangan trip nila yung damit para ganahan silang suotin at para maging proud din naman haha ewan. Bale tatlong damit kada bata, masyado kasing marami e. Babalik nalang ako ulit kung nakatahi ulit si Mama. Gawa niya yon lahat.


Ang saya, ang gaan sa pakiramdam kapag nakatulong sa kapwa. Hindi lang yung natulungan mo ang sasaya, pati na rin ikaw.

Pierced Heart [KN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon