Hindi ito Chapter 3

375 10 13
                                    

Nagising ako dahil masyadong maliwanag.


Anong oras na ba?



Sakit ng ulo 'ko. Huh? Nasa kwarto na'ko. Ano bang nangyari kagabi?




Psh feeling may hangover.



Bumangon na'ko at nag-unat unat. Pumasok na'ko sa banyo para maligo.


Pagkatapos kong maligo, tinignan 'ko sarili 'ko sa salamin.



"Bakit ba ang gwapo gwapo mo? Nakakainis na." Sabi 'ko sabay smirk.


Nag-toothbrush ako at nagpabango.




Black Nirvana shirt with maong jacket tapos skinny jeans ang suot 'ko. Sinuot 'ko na rin yung glasses 'ko. May grado to noh pero mababa lang.


Nag-selfie ako hehe



Bumaba na'ko at kumain ng almusal.



"Good morning pulubs!" Bati 'ko kay Ella na busy mag-selfie kasama yung aso namin.



Hindi niya 'ko pinansin at tuloy tuloy pa rin sa pag-picture. Tss.



Ay oo nga pala, magtatambay kami ng tropa 'ko sa mall ngayon.


Pumunta ako sala dahil doon malapit yung garahe.



"Hep hep hep!" Sabi ni Mama.



"Hooray?" Sagot 'ko.



"Anong hooray? Saan ka pupunta?!"



"Wala lang. Pupunta 'ko doon sa kabilang barangay para mag-tong its pagkatapos tatambay ako dun sa kanto tapos maghihithit. Magpapatattoo din ata ako. Maya-maya manghoholdap ako at manggagahasa. Bakit?"



"SIRAULO KANG BATA KA!!!" Bago pa man ako batukan ni Mama, nakalabas na'ko ng pinto. Talo ko pa si The Flash di ba? Mas gwapo pa'ko dun.




"HAHAHAHA PUPUNTA SA MALL KASAMA ANG TROPA! BABYE!!!" Paalam 'ko.

Pierced Heart [KN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon