Darven's POV
Ay t*ngina.
Nakatulog ako sa bahay nila Jeremy. Ang sakit ng ulo 'ko, ang hirap imulat ng mga mata 'ko. Ano bang nangyari kagabi? Bakit ako andito?
Yes, mabuti naman at may suot pa'ko. Tss feeling nirape.
Inamoy 'ko ang hininga 'ko at- pwe!
Amoy alak! Kingina! Nilasing ako ng mga kupal!
"Jeremy!!!" Inis na sigaw 'ko. Mabilis na umakyat si Jeremy sa kwarto.
"Ano?! Aaminin mo na bang bakla ka? Ano?!" Natatarantang tanong niya.
"Kingina mo! Hinde! Bakit ako nandito?" Tanong 'ko habang minamasahe ang sentido 'ko.
"Kasi wala ka sa bahay niyo." Pilosopong sagot niya.
Sinamaan 'ko siya ng tingin.
"Oh easy easy. Ano kasi, humingi ka ng advice sa'min so ayun medyo na-carried away kami ng mga emosyon namen kaya ayan, nag-inuman tayo hehe."
"KINGINA NIYO TALAGA!!!" Sumigaw ako nang sobrang lakas na ikinagulat naman ni Jeremy. "Ay, sorry. Nadala ako ng mga emosyon 'ko." Bumangon na'ko at nag-unat. "Pero teka, teka ano bang nangyari? Yun lang ba? Wala ba akong katarantaduhang nagawa?"
"Uhm.." Nagkibit balikat si Jeremy saaby kamot sa ulo.
Biglang tumunog ang cellphone 'ko.
Nanlaki mata 'ko nang makita 'ko yung caller id.
"Hoy! Bakit tumatawag si Maggie?" Tanong habang hawak ang cellphone 'ko.
"Aba malay 'ko! Bakit ako ang tinatanong mo?" Pambabara pa ni Jeremy. Kupal talaga 'to.
BINABASA MO ANG
Pierced Heart [KN]
Fanfiction"Don't make me choose because I know you won't like my choice."