Hindi ito Chapter 12

175 9 0
                                    

Ella's POV {Sa wakas at may point of view na rin ako. Andito na ang dyosa, kumalma kayo hihi.}


Andito ako sa kwarto 'ko ngayon, nakahiga sa kama habang nagmumuni-muni.

Asan na kaya yon si Koya Darvs? Kagabi hindi siya dito natulog, ngayon naman maghapon din siyang wala. Ano bang nangyari dun? Baka nakidnap? Baka hinostage? Baka naligaw? Baka pinatay na?!


Hala, asan na ba yun? Kinakabahan na'ko, kanina pang alalang-alala sina Mama, hindi naman daw nacocontact sa cellphone niya. Tinawagan naman nila Mama si Kuya Jeremy pero sabi niya daw, 'di niya din alam kung nasaan si Koya. Hala pano na yan? :(


Marami pa'kong gustong sabihin kay Koya, hindi 'ko kayang mawala siya agad, hinding hindi 'ko matatanggap. Hindi 'ko na napaparamdam ang pagmamahal 'ko para sa kanya bilang isang dyosang kapatid. Palagi nalang kaming nag-aaway at nagsasakitan, he's so masungit naman kasi eh! G-R-R-R!


Pero sa tingin 'ko, bilang isang kapatid kailangan nalang magpasensyahan at magsorry para hindi na lumala. We can't always burn down bridges especially since we're siblings. Dadalawa nalang nga kami, minsan lang kami magkasundo.


Pero to be honest kasi, ang OA 'ko. Pikon din ako palagi, si Koya Darvs naman mahilig mangkulit. Hay nako, nakakastress.



Bumaba ako para kumuha ng pagkain. All of that deep thinking and contemplating made me gutom ng sobra huhu. Napatigil ako sa pagbaba ng hagdan nang makita 'ko si Koya Darvs umiiyak habang kayakap si Mama at Daddy. Ano bang nangyari? May shooting ba para sa MMK? Audition para sa PBB? Ba't di ako nainform?


Pero O-M-G!






Gutom na talaga ako.


Ay wait! Si Koya! Bumalik na!!!


"KOOOOYA!" Tumili ako habang pababa. Tumakbo ako palapit sa kanya at niyakap siya. Oha, niyakap 'ko siya, hindi binatukan. Achievement kaya yon hihihi.


"Ella.. Ella, huy." Bulong niya sa'kin habang nakayakap din.


"Bakit?" Bumitaw na'ko pagkayakap. Nalulukot kasi damit 'ko eh, Forever 21 pa naman!


"Gusto 'kong humingi ng tawad." Mangiyak-ngiyak na sabi ni Koya habang nakayuko. Hinawakan 'ko kamay niya at ngumiti nang malungkot. Napatingin naman siya sa'kin habang may tumulo na luha sa mata niya. Naiiyak na den tuloy ako! Huhubells! Pakisalo ng luha 'ko at ipapa-laminate 'ko!


"Shhh.. Koya tigil na, I understand naman eh." Niyakap 'ko ulit siya at hinimas ang likod niya. Doon na siyang tuluyang napaiyak. Naiiyak na din ako. "Koya naman eh, stop crying na kase. You're making me cry, too. My mascara is gonna make tunaw! Like t*nginuh!" Sabi 'ko nang pabiro habang umiiyak na din. Tumawa siya nang mahina.

Pierced Heart [KN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon