"So... ikaw yung kumarga sa'kin nung nasa greenwich tayo." Sabi ni Kassandra. Naglalakad-lakad kami dito sa mall. Nauna nang umuwi sina Jeremy, psh sinadya nila yon. Pero shocks, kasama ko si Miss Masungit ngayon hihi. Kaso na nga, napakabitter niya lamoyun? Eto flashback.
*FLASHBACK*
"T*ngina nila." Inis na sabi niya.
"Ha? Sino?" Nagtatakang tanong 'ko. Kabigla naman nito, bigla nalang mumura. Nasa food court pati kami ngayon.
"Sino pa ba?! Yung dalawang hampaslupa na yun oh." Tinuro niya yung mag-syota na naglalambingan doon sa may gilid.
"Hoy." Binaba 'ko yung kamay niya, walang hiya talaga 'to, tinuro pa. "Ba't ka ba naiinis? Sweet kaya nila." Sabi ko, nakatingin na din dun sa mag-syota.
"Isn't it annoying? Dito pa sila nag-PDA, mga malalandi!" Kumuha siya ng water bottle. "Ano?! Batuhin ko na?!" Tumayo siya at tinaas niya yung kamay niya na may hawak na water bottle at ibabato na sana pero pinigilan 'ko.
"Ano bang problema mo? Inaano ka ba nila? Chill. Mag-fres ka muna." Pinaupo 'ko siya at tinapik sa balikat.
"Wala. Nothing. I just hate seeing couples, lalong lalo na yung mga malalandi na chaka!" Pagpapatama niya.
Leche, nahihiya ako. May sayad ata 'to. Baka galing 'to sa mental at yung chinita na amiga niya kuno ay nurse niya pala. Shet.
"Halika na nga!" Tumayo na'ko at hinila siya. Nag-iiskandalo 'to dito, for sure.
"Mag-bebreak din kayo! Walang forever mga ulol!!!" Pahabol niya.
"Tigil na. Kumalma ka."
Inirapan niya lang ako. Problema nito?
Umupo kami sa bench. Yung bench na upuan, hindi yung bilihan ng damit. Baka kasi malaos si Daniel Padilla kung pumasok ako dun e.
Ibang klase 'tong bench na'to ah, ang laki.
"What's the big deal?" Tanong 'ko.
She crossed her arms at tumingin sa'kin ng diretso.
BINABASA MO ANG
Pierced Heart [KN]
Fanfiction"Don't make me choose because I know you won't like my choice."