Darven's POV {Namiss niyo ba 'ko? Hehe. Hi.}
Lumakad ako nang dahan-dahan papasok sa Starbucks. Nakita 'ko na agad sa loob na andun nga si Maggie, nagsusulat habang umiinom ng tea.
Umupo ako sa table na malayo sa kanya. Baka makita niya 'ko eh, di 'ko pa ma-process sa utak 'ko ang sasabihin 'ko. Buffering pa rin eh.
"Uy bro." Bati ng isang lalaki sa'kin. Tinignan 'ko siya at nginitian.
"Yo Cylar!" Bati 'ko naman. Umupo siya sa harap 'ko. "Kamusta ka naman?" Tanong 'ko.
"Eto, fanboy pa ren. Hehe."
"Siyempre naman, alam mo mag-jamming nga kayo ni Jeremy. Bumabasa din kasi yun ng KathNiel fanfictions eh. Meant to be ata kayo hehehe." Biro 'ko.
"Ulol Dums." Dums tawag niya sa'kin, short for 'Dumuro'. Lmao. Corny.
"Ikaw? Ba't ka andito?" Tanong niya habang nagta-type sa laptop niya. Typical fanboy doings.
"Naubusan kasi ng katol sa'min eh. Wala tuloy akong masinghot kaya eto, kape-kape nalang hehehe." Binatukan niya ako. Wow ha, batok agad?
"Edi mik-mik nalang singhutin mo hehehehe." Binatukan 'ko naman siya. Ganti-ganti lang, tol. Inirapan niya naman ako at nagpatuloy sa pag-type habang nakangiti. Ayuy, lumalablayp si totoy.
"Hindi, seryoso nga. Anong masamang hangin ang dumala sa'yo at napadpad ka dito sa lugar na'to?"
"Itatama 'ko ang mali, bro." Paghuhugot 'ko naman, lalem nun ah. Ang hirap i-reach.
"Naks naman." Sabi niya tas tinapik ang balikat 'ko.
"Pero Cy, kailangan 'ko ng advice kasi--"
"Gutom lang yan." Sabi niya tas umalis na.
Ampucha?
Ba't naman umalis yon agad? Natatae na ata? Nakatama na ata yung tae niya sa brip. Pwe. Ngiree. Deh, seryoso na. Ano bang sasabihin 'ko kay Maggie? Ayoko naman sabihin na hindi 'ko siya gusto kase gusto 'ko naman talaga siya, hindi 'ko lang in-expect na sasagutin niya 'ko agad. Hello teh, tinawagan 'ko lang kaya siya, ni hindi 'ko nga niligawan.
Iba kasi ang tama ng isang Pierce eh, hehehe.
Deh, sabihin 'ko nalang na si Darla ang nakausap niya sa telepono, ginaya lang non yung boses 'ko kaya ayun, napagkamalan niyang ako hahaha. Puchakels, hindi yon kapani-paniwala eh. Ay jusko, sabihin 'ko nalang nga yung totoo...
Napakagwapo 'kong nilalang.
BINABASA MO ANG
Pierced Heart [KN]
Fanfiction"Don't make me choose because I know you won't like my choice."