Kassandra's POV
Should I tell him?
Does he deserve to know?
May mababago ba kapag sinabi 'ko sa kanya?
I better not. I only met him twice, pangalawa palang ngayon. I don't really trust him that much. Now's not the time.
Pinunasan 'ko ulit mga luha 'ko at umayos na ng upo. I tied my hair into a bun and took a deep breath.
I smiled at him, forced.
"Wala wala. Uhmm n-napuwing lang." Pagrarason 'ko.
"Wow! Napuwing? Ano nakapuwing sa'yo? Tansan?" Hindi siya naniniwala. Pucha bakit kasi yun pa ang naisip 'kong rason?
Hindi ako sumagot.
"Napuwing lang pero kung makaiyak parang namatayan ng anak. Jusko Char-Char hindi ako tanga. Bobo lang pero... gwapo pa rin naman." Sabi niya tapos nagpogi pose. Napatawa naman ako.
Damn it, there again with the laugh. Bakit ba ang dali 'kong tumawa kapag kasama siya? Hindi naman siya clown, hindi naman nakakatawa mukha niya, mas lalong hindi nakakatawa ang mga jokes at pick up lines niya pero bakit?
"Uh Pierce? Uwi na'ko." Paalam 'ko. Tumayo na'ko pero nagulat ako nang hinawakan niya ang pulsuhan 'ko.
"What?" I asked weakly.
"Samahan na kita."
Wag. Ayoko.
"You don't have to. Kaya 'ko naman." Sagot 'ko, hoping he'll believe me and just leave me be.
"Samahan na nga kita, baka kung ano pang mangyari sa'yo. Malay mo may rape gang lang pala diyan sa kanto o kaya may sampong lalaki na mangholdap sa'yo o kaya mabagsakan ka ng UFO. Di natin alam di ba, kaya mas mabuti pang samahan nalang kita. Para, alam mo na, kung sakaling mapatay 'ka, may witness hehehe." Ngumisi siya. "Lika na nga, saan ba bahay niyo?" Hinila niya kamay 'ko at lumakad na kami.
BINABASA MO ANG
Pierced Heart [KN]
Fanfiction"Don't make me choose because I know you won't like my choice."