Chapter Ten

5 2 0
                                    

Paglabas ko ng bahay ay agad na kumunot ang noo ko. Axel was there, standing outside the gate of kuya's house while leaning on his gray sport car.

Geez man, he look like a model. The most good-looking model that I've ever seen. Agad kong ipinilig ang aking ulo dahil sa takbo ng isip ko. Bakit ganoon? Bakit parang gumaganda ang image ni Axel sa isipan ko? I am suppose to hate him and not to admire him.

Lumapit ako sa kanya. Nang lumingon siya sa akin ay agad siyang umayos ng tayo and smile at me.

"Hi." Bati niya.

"Pwede bang alisin mo ang sasakyan mo dyan? Hindi makakadaan ang sasakyan ang susundo sa akin." I said instead of greeting him back.

Hindi maganda ang nararamdaman ko. Para akong kinakabahan na ewan.

"Why? Saan ka pupunta?" He asked.

"Wala ka na doon," I said. Hindi ko na napigilan ang sarili na tanungin siya.

"Ano bang ginagawa mo sa harap ng bahay ni kuya?"

Tumungo ito at marahang kinamot ang batok bago tumingin sa akin. He looks like he was about to tell me something but something was holding him back.

"Well... I.. Ah.."

"Ano? May balak ka bang i-recite ang vowels buong araw? Kung oo, pwede bang sa bahay mo na lang. Kasi may pupuntahan pa ako."

"Saan ka pupunta?" He asked nang walang kakurap-kurap.

"May date ako ngayon," I answered. "Kaya alisin mo na yung sasakyan mo sa dadaanan ko." Sabi ko sa kanya at tumalikod na para pumasok sa sarili kong sasakyan.

Ngunit, bigla siyang pumasok sa bakuran ko at hinawakan ako sa kamay uoang pigilan.

"Tayo na lang ang mag-date."

Saglit na tumigil ang mundo ko. Pinaprocess ang kanyang sinabi. I suspiciously look at him. Wala namang mababakas sa mukha niya na pagbibiro, but I still didn't acknowledge what he had said.

"Huwag kang mag-ambisyon. It is a big 'no'!" Sabi ko at nagmartsa papunta sa lanai para kuhanin ang mga gamit ko na dadalhin ko sa batangas.

Ang sabi ni kuya in an hour daw susunduin ako ng driver na kinontact niya pero bakit hanggang ngayon wala pa?

Pero nagulat ako ng agawin niya sa akin ang mga bags na bitbit ko at nilagay sa back seat ng kanyang sasakyan. Nanlalaki ang mga mata kong napatingin sa kanya.

"What do you think you are doing?"

"Your brother called me, he asked me a favor if I could drive you going to Batangas" He said bago binuksan ang pinto ng sasakyan sa passenger seat.

"Ako ang tinutukoy mong driver na papasok sa loob para sunduin ka" isinenyas niya ang bukas ng pinto sa passenger side. 

"What?!" Pasigaw kong tanong. "No. I'm gonna call, kuya." 

Agad kong kinuha sa bulsa ng pantalon ko ang cellphone ko at hinanap ang pangalan ni kuya sa caller id para tawagan. Ngunit nakakailang dial na ako ay hindi nagcoconnect ang tawag.

Frustrated and irritated y hinarap ko siya na nakapamewang at inaakusang tinitigan siya.

"Pinlano nyo ba 'to ni Kuya?" mariin kong tanong sa kanya. 

He acted like he didn't know anything. 

"No. I was also surprised when he called and asked me a favor. And since, mabait akong kaibigan ay pinagbigyan ko siya." sabi niya. 

Gosh, sa dinami-dami na pwedeng mahingian ng pabor ng kuya ko, bakit si Axel pa? Alam naman niya na hindi kami pwedeng magsama nito sa iisang lugar. I swear, kapag napatunayan kong set up ito, ay hindi ko mapapatawad ang kuya ko. Nang tingnan ko siya ay mukhang naiinip na siya maghintay. 

Love Thy EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon