Chapter Eleven

7 0 0
                                    

Madilim ang kwarto ng magising ako. Tanging ang liwanag ng buwan mula sa labas ng bintana ang nagbibigay liwanag sa buong kwarto. Hindi ko namalayan ang oras. Ang plano na pag-idlip ay nauwi sa pagtulog. Hindi ko na namalayan na napalalim na ang aking pagtulog.

Tumayo ako at lumabas nang kwarto nang makaramdam ako ng pagkalam ng sikmura. I didn't bother to look at the clock to check what time was it dahil na din sa gutom.

Pagbaba ko ay agad akong dumiretso sa kitchen, and there I found my companion cooking something. Pero ang mas kinagulat ko ay ang ayos niya, facing his back, with only wearing a pants and an apron as his top.

Napalunok ako at parang gustong bumalik sa kung saan ako galing. Ngunit ang tanawin na iyon ay masyadong nakaka-enganyo tingnan kaya imbes na umalis doon ay patuloy ko siyang pinagmasdan.

Ano kayang feeling ang yakapin siya mula sa likod? With his muscles flexing and move everytime he does something is enough for me to drool over him. Now, I understand why girls are head over heels with him. A sexy back, angel face, mysterious yet playful eyes are enough for girls to pluck over him.

Noon pa man ay habulin na talaga siya. Girls would die and do everything for him just to get an attention from him. If kuya has an intimidating face and look, siya namang kabaliktaran nito. Maamo ang mukha ngunit mabagsik kapag nagalit.

Hindi na ako nakaiwas nang bigla siyang humarap sa kung saan ako nakatayo. He raised an eyebrow and smirked at me when he caught me staring at him.

"Love what you're seeing?" Asar na tanong niya sa akin sabay kindat.

Nasamid ako sa sariling laway pagharap niya sa akin dahil sa biglang harap at kindat niya sa akin. Pakiramdam ko umakyat lahat ng dugo sa mukha ko at singpula na ng kamatis ang kulay nito. Para makabawi ay inirapan ko siya.

"Tss. Hindi. Nagugutom na kasi ako. Matagal pa ba yan?" Tanong ko upang makaiwas sa maaring asar niya pa sa akin dahil sa pagkakahuli niya.

Tumawa siya at umiling-iling habang sinasalin sa plato ang niluto niyang putahe. Nang maamoy ko ay lalong kumalam ang sikmura ko at nakaramdam ng matinding gutom.

"Easy there, Princess. Ito na ang pagkain mo. And I'm sure, you won't recognize yourself after you taste this tonight." Pagyayabang niya.

Tumaas ang kilay ko sa tinuran niyang iyon. I've never tasted his cook before dahil noon pa man ay sa bahay na siya kumakain sa tuwing kasama siya ni kuya. And I didn't know that he can cook.

"Sinadya mo bang mag-aral ng pagluluto para may plus points ka sa mga babae mo?"

Nag-angat siya ng tingin at ngumiti sa akin. Matching with his playful eyes. There he goes again. It's like he knows something that I don't.

"Hmm. You could say that. Besides, malaking turn on sa kababaihan kapag masarap ka nang magluto, masarap ka pa. Kaya di mo talaga masisisi kapag lalo silang nahuhulog sa akin." Balewalang sabi niya.

I looked at him with disgust in my face. Ni hindi man lang magpaka-humble. I rolled my eyes at him at lumapit na sa lamesa upang makilatis ang kanyang niluto. Amoy at itsura pa lang ay nakakagutom na. Akala ko naman pang world class na putahe ang niluto niya, sinigang lang pala.

"Bon appetit." Nakangiti niyang sabi at umupo sa harap ko. Tinanggal niya ang apron na suot niya and revealed his broad chest in front of me.

Kumikinang ito dahil sa mga mumunting pawis na naipon doon. Napapikit ako ng madiin dahil hindi ko maiwasan na hindi tumitig doon. Bakit ganoon ang epekto niya. At bakit ganoon parang ang bango bango niya pa din kahit pawisan siya. Para siyang amoy Johnson baby powder.

Love Thy EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon