Chapter Fifteen

5 1 0
                                    

Nang matapos ang buwis buhay na bungee jumping ay inalalayan ako maglakad ni Axel. Sa taas ba naman at sa takot ko ay parang hinigop ang buong lakas ko.

Pero bukod doon ay pakiramdam ko ang init ng mukha ko. Hindi dahil sa bungee kundi dahil sa paghalik sa akin Axel. And he kissed me twice!

Sa sobrang takot ko kanina ay hinayaan kong madala ako ng pangyayari pero di ko inasahan na hahalikan niya ako at dalawang beses pa.

Pakiramdam ko umakyat lahat ng dugo ko sa mukha at hindi ko siya matingnan ng diretso.

Nang makababa kami ay dumiretso kami sa cottage namin at umupo ako doon. Inabutan niya ako ng isang bottle ng mineral water.

"Thank you." tanging nasabi ko at binuksan ang bote at uminom.

Umupo siya sa harap ko at tinignan ako. Nang magkasalubong ang mata namin ay bigla akong nasamid. Hindi ko talaga siya kaya oang tingnan sa ngayon dahil kapag natingin ako sa kanya ay naalala ko ang paghalik niya.

At kapag naalala ko 'yon ay siya nag-iinit ang mukha ko at dumadagundong ang puso ko. I bit my lower lip and closed my eyes as I am trying to erase that little scene earlier.

But with so much effort to do so, ay hindi siya maalis at paulit-ulit na nagpplay sa utak ko.

Him kissing me habang nasa ere. And his kisses had lessen the fear and pressure. His kisses has somewhat made me calm and contented in his arms..

Malakas akong napabuntong-hininga. Hindi na maganda tong naiisip at nararamdaman ko.

"How are you feeling?" he asked.

Pagdilat ko ay sumalubong sa akin ang kanyang titig. Mapupungay ang kanyang mga mata na nakatingin sa akin. Worries and regret were evident in his mysterious eyes.

"I-I'm okay. Naubos lang yung energy ko. Parang hinigop ng hangin." sabi ko at ngumiti sa kanya to assure him that I am okay.

Pero ang damdamin ko at ang pamilyar na pakiramdam sa puso ko ang dahilan kung bakit nababagabag ako ngayon.

"I should have stopped you. Dapat hindi na kita pinayagan sa bungee jump na iyon." namamaos na sabi niya at halatang nagsisisi.

"No. it's okay. I wanted to try it too. No worries, Axel." I told him as I reached his hand na nakapatong sa mesa. I squeezed it to assure him that I am really fine.

Umiling siya at pumikit ng mariin. Pinisil ang bridge ng kanyang ilong. Para siyang hirap na hirap at sising sisi sa ginawa niya.

And I somehow understood the reaction. He is blaming himself kasi iniisip niya na ginawa ko iyon dahil sa kanya, dahil sa kagustuhan niya.

But it wasn't. I did that for myself. To try it. To fit in in his world. To make him realize that I can do it too.

"I think we should go, hapon na din naman." anyaya ko sa kanya.

Tumango siya at nagligpit na ng gamit. Hawak sa isang kamay ang mga gamit na dala niya kanina. He reached my hand and held it softly like it was a piece of diamond he was too scared to let go. Pinagmasdan ko ang magkasalikop naming kamay, nangingiti sa gitna ng kakaibang nararamdaman ko. He has a soft hand and long fingers.

Nag-angat ako ng tingin sa kanya, he was looking at me again with those mysterious eyes. Like those eyes had something to tell me but it was too scared to even show the real feelings behind those eyes. Niyakag niya na ako paalis at agad kaming nagpunta sa sasakyan. Ngunit bago niya bitawan ang kamay ko ay tinanong niya ako.

"Are you hungry? Do you want to grab something to eat before we go home?" he asked.

"What about you? Are you hungry?" I asked instead of answering his question.

Love Thy EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon