Chapter Twelve

4 1 0
                                    

Hindi ko alam kung anong oras ako nakatulog kagabi sa pag-iisip. Basta ang alam ko lang ay ang ngitngit ng loob kay Angelo ang huli kong inisip non. Bumangon ako at kinusot ang mga mata.

Pagtanaw ko sa veranda ng kwarto ay medyo pataas na ang araw sa silangan. Malalim akong huminga at lumabas sa veranda upang makalanghap ng sariwang hangin, namiss ko ang ambiance ng probinsya dahil matagal na din akong di nakakauwi sa Antipolo.

Namiss ko si mommy at daddy kaya ang plano ko, pagdating ng semestral break ay uuwi ako ng Antipolo upang doon magbakasyon muna, para makapag-isip at makapagpahinga.

Napagpasyahan kong bumaba at magtimpla ng kape, dahil hindi kumpleto ang umaga kung walang kape sa katawan. Dahan dahan akong naglakad patungong hagdan at bumaba. Habang pababa ay hinahanap ko si Angelo, nang hindi ko makita ang pigura niya ay nakaramdam ako gng ginhawa. pagkababa ko ay dumiretso ako sa kusina upang magtimpla ng kape. Balak kong libutin ang buong bahay ngayon para naman malibang para bago ko matawagan si kuya ay mabigyan ko siya ng insight.

Matapos magtimpla ng kape ay dumiretso ako ng sala para matingnan si Angelo kung doon siya natulog. Nang malapit ay natanaw ko ang malaking pigura ni Angelo na nakahiga sa sofa na may yakap na unan.

Lumapit ako ng husto upang makita ng husto ako mukha niya. He was sleeping peacefully like an angel. Mas umamo ang mukha niya kapag tulog. Sana tulog ka na lang palagi. Inayos ko ang cardigan na suot dahil sa lamig na naramdaman.

Sa kwarto pa lang sa taas ay lamig na lamig na ako, itong isa naman parang wala lang sa kanya ang kamig dahil nakasando at jogging pants lang siya. Wala rin itong suot na medyas kaya mas natutok ang atensyon ko sa mga paa niya.

I always liked men who kept themselves tidy. Sabi kasi nila, sa kuko sa paa ng tao malalaman kung malinis sila sa katawan. Checking his feet and his kuko, malinis naman. Sana lang malinis din ang.. sa dami ng babae na naikama. Napailing ako.

"Hindi ka ba man lang nilamig sa magdamag?" bulong ko. Inilapag ko ang dalang baso sa center table

Dinampot ko ang kumot na nasa ibabaw ng center table na nilabas ko kagabi para magamit niya. Maayos na nakatiklop pa din at halatang di nagalaw. Maingat kong inilatag ito sa katawan ni Angelo, careful not to wake him up.

Kahit gaano pa katatag ang katawan ng isang tao sa lamig, ay hindi malayong tablan pa din 'to ng lamig. Kaya wag feeling strong. Inaayos ko ang kumot sa bandang paa niya para matabunan nang bigla siyang magsalita.

"Salamat."

Agad akong napatayo ng tuwid at nilingon siya at tinitigan ng masama.

"Gising ka na pala, bwisit ka!"

"Nagising ako nang hawakan mo yung paa ko." sabi niya

"Hindi ko hinawakan ang paa mo 'no!"

He just smiled as he hugged the pillow tightly. Napakunot-noo ako. Bakit parang mas lalo siyang gumwapo? With messy hair and sleepy smile, he just looks perfect. Wala bang pangit sa isang 'to?

"Okay. Still, thanks, Maxy." he said.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko sa malakas na pagtibok ng puso ko dahil sa di inaasahang paggising niya. Nang mapansin ko na nakatulog na ito ay unti unti namang kumalma ang puso ko. Dinampot ko ang baso at lumabas ako ng sala. Sa paglabas ko ay pinagmasdan ko ang tanawin.

Mula sa mga berdeng nagtataasang puno, sa agos ng dagat na naririnig ko kung saan ako nakatayo. Umupo ako sa mga upuan doon at humarap sa magandang tanawin. It's so refreshing to have a view like this and having a coffee at the same time. Relaxing.

Inubos ko ang oras sa pag-inom ng kape at pagtitig sa tanawin bago ako pumasok ulit sa loob ng bahay para mag-ayos na at maumpisahan ko na ang pag-tour sa kabahayan. Pagpasok ko aya agad kong natanaw si Angelo na namamaluktot na para bang mahal na mahal nito ang kumot na binalot sa kanya.

Love Thy EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon