Chapter Five

15 3 0
                                    

Mabilis na lumipas ang mga araw at linggo. Isang buwan na magmula ng tumira ako dito sa bahay na 'yon. At sa isang buwan na iyon ay hindi na nagkaroon ng katahimikan sa buhay ko. Paano ba naman? Sa twing nagkikita kasi kami ni Axel ay puro na lang pag-aasaran at pagbabangayan ang nangyayari.

Pati ang owner ng naturang village na iyon ay stress na din kaya naman hinahayaan niya na lamang kami. Wala na ding magawa ang iba pang mga kapit-bahay namin na naging kaibigan ko na din. Himala nga nakatagal ako sa village na 'to. Siguro, sa motivation ko na din na hindi magpatalo kay Axel.

May mga times na napipikon si Axel dahil sa mga pang-aasar ko sa kanya, pero madalas ako ang pikon. Kaya naman kung minsan, tumatahimik na lang ako at dinidedma siya na lalo namang kinakapikon ni Axel which is according sa mga kapit-bahay ko na minsang nakilala ko sa get-together ng village na iyon.

"He is like the other guys here, malakas mang-asar. Pero minsan, nakakagulat pa din kapag napipikon siya sa 'twing nakikipag-asaran siya sayo." Prim said. Isa mga nakilala ko sa event na iyon.

"Yeah. I mean, hindi siya napipikon kapag iba ang kaasaran niya, pero pagdating sayo? Lagi siyang pikon kahit na ikaw ang madalas na pikon. I mean, do you get it? Mas mukha siyang pikon kaysa sayo." Sabi naman ni Krauss

"Mas lalo siyang napipikon kapag hindi mo siya pinapansin o kaya naman dinidedma. Kaya lagi siyang naaasar." Sabi naman ni Ara

Minsan kasi pinipili ko na lang tumahimik o kaya dedmahin siya dahil na din nagsasawa ako sa araw-araw na bangayan namin. Like come on, ayaw kong magpatalo pero may mga panahon talaga na ayaw kong patulan ang mga pang-aasar niya. Tapos, siya naman ang mapipikon?

Inilugay ko ang buhok ko ngayong araw. Nothing is special today. Nasa mood lang ako ilugay ang buhok ko, though, mas gusto kong laging nakapony-tail ang buhok ko dahil mas presentableng tingnan iyon lalo na't isa akong professor.

Mahaba at kulot sa dulo ang buhok ko. Madalas itong purihin ng mga co-teachers ko sa department namin. Minsan, nanghihinayang sila dahil laging nakatali ang buhok ko. Katwiran ko na lang ay mas komportable ako sa ganoon. Which is true. Nasanay na din kasi akong itali iyon kaya hindi ko na binago ang istilo ng buhok ko.

But today, I decided to let it down for awhile. I need a new look. A refreshing one. Of course! Walang kinalaman ang kapit-bahay kong mapang-asar dito.

I am wearing a blue dress that is above the knee at tinernuhan ko na lang ng black cardigan. Magco-commute lang ako ngayong araw dahil coding ang sasakyan ko ngayon.
Dala-dala ko ang white cap na gagamitin ko sa pagbyahe habang palabas ng gate. Marahan kong ikinando ito. Tight ang security sa naturang village na ito pero nakasanayan ko na kasing magpad-lock ng gate.

Nang tuluyan ko ng malock ay pumihit na ako paharap sa daanan. Hindi pa man ako nakakahakbang ay agad na akong napatigil dahil sa sipol na narinig ko. Na kahit di ko tingnan kung sino ay tukoy ko na agad.
Nakataas ang kilay na nilingon ko ang direksyon ng bahay ng 'paborito' kong kapit-bahay.

There, I saw him leaning on his low fence while smirking at me.

"Alam mo, kung sa 'twing lalabas ako ng bahay ay ikaw agad ang makikita ko? Mas nanaisin ko pang huwag na lang lumabas para lang di ka makita." Mataray na turan ko sa kanya.

Nang mapagmasdan niya ako ay agad siyang tumuwid ng tayo at ngumisi sa akin.

"But I love seeing you whenever I'm outside." He said.

Feeling ko umakyat lahat ng dugo ko sa mukha ng sabihin niya iyon. Bumilis din ang tibok ng puso ko. Pero agad ding napawi ang naramdaman kong iyon ng may dinugtong pa siya.

"Especially, your cheeks. Cheeky Girl." Dugtong niya.

Parang gusto ko na lang hubarin ang suot kong sapatos at ibato iyon sa pagmumukha niya. But I stopped myself from doing that. That's not a good thing. Hindi ko kayang manakit ng physical. Kaya naman, tiningnan ko na lang siya ng masama, hoping that my killer stare would make him stumble right where he stand. Pero imposible iyon.

Love Thy EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon