Chapter Eight

17 2 0
                                    

It has been three days since I last saw him. Nasaan na kaya ang lalaking iyon?

Nasanay kasi ako na sa 'twing umaga ay siya agad ang nakikita ko. I guess, ganito talaga kapag nasanay ka, kapag nawala, hahanap-hanapin mo. Kahit naman na mortal enemy ko siya ay hindi ko pa din mapigilan ang mapaisip kung nasaan ba siya. Hindi lang isang beses na nangyari 'to. Kahit noon pa man, may certain month, date or day na mawawala na lang siya bigla. Basta laging February ang month na bigla na lang siya nawawala.

I asked my kuya once about his disappearance, pero pati si kuya, walang idea kung nasaan o saan pumupunta si Axel sa loob ng dalawang araw na nawawala siya. We didn't bother to find out that anyway. Bukod kasi sa hindi ko siya gaanong pinapansin noon, ay masyado siyang malihim tungkol sa sarili niya.

Siguro, alam na ni kuya, hindi niya lang talaga sinasabi. Ang tahimik ng buong village sa loob ng dalawang araw. Nakakapanibago lang na wala akong kaasaran sa umaga o sa twing nakikita ko siya. Sa loob ng dalawang buwan kong paninirahan dito ay nasanay na ako sa presensya ni Axel kahit na puro bangayan lang ang nangyari sa 2 months na pagtira ko dito. Siguro, kapag umalis na ako dito, isa iyon sa mamimiss ko.

Dahil bagot na bagot na ako at wala din akong pasok ng araw na iyon ay naisipan kong maglinis na lang ng bahay. Inuna ko ang sala. Syempre, pati yung kwarto ko, nilinis ko na din.

Pati ang kwarto ni kuya, balak ko ding linisin. Hindi pa ako nakakapasok sa kwarto ni Kuya. Wala naman kasi akong gagawin doon kaya hindi ko pinagtuunan ng pansin ang kwarto ni kuya.

Pagpasok ko sa loob ay agad akong humanga sa disenyo ng loob ng kwarto ni kuya. Kulay brown at black ang kulay ng kwarto ni kuya, sa gitna nito ay nandoon ang king size bed. Sa gilid naman, sa may malaking glass window, ay nandoon ang desk ni kuya.

Maayos na nakasalansan ang mga papel sa table ni kuya. Sa gilid naman ng desk ni kuya ay doon nakalagay ang divider na mga libro niya. May walk-in closet din siya. Napakayaman talaga ni kuya.

Lumapit ako sa desk niya, there I saw a picture frame. Nang damputin ko iyon para tingnan ay agad akong ngumiti. It was picture of two highschool boys that were grinning at magka-akbay sa isa't isa. It was Kuya Laud and Axel. Hindi ko tuloy mapigilan na magbalik-tanaw sa nakaraan kung saan unang dinala ni kuya si Axel sa bahay.

Galing ako sa kwarto noon at katatapos ko lang gawin ang mga homeworks ko. First week pa lang ng pasukan ay ang dami na agad na gawain. I was a first year highschool while kuya was in his 3rd year in highschool. Pagbaba ko ay agad akong dumiretso sa kusina para sumabay na kumain ng dinner.

Nang pagpasok ko sa dining room ay halakhakan ng pamilya ko ang bumungad sa akin. Agad kong napansin ang isang estranghero na nakaupo sa tabi ng kuya ko. Doon ako madalas umupo. Sa tabi ni kuya pero ngayon umupo ako sa tabi ni Mommy sa kaharap ng dating kong upuan.

Nang makaupo ako at mapatingin sa lalaking katabi ni kuya at kaharap ko ay halos malaglag ang panga ko. The guy in front of me was breathtakingly handsome. Maputi ito na may matangos na ilong at mapupulang labi.

Pero ang nakapagpahulog sa akin ay ang kanyang mga mata. He has a pair of blue-green eyes na may mahahabang pilik-mata na lalong nagpatingkad sa kulay ng mga mata nito.

Though, he has the sexiest and beautiful eyes that I've seen, pero yun din ang may pinaka-misteryong mata na nakita ko. Dahil halo-halo ang emosyon na makikita mo sa kanyang mga mata. Kahit nakangiti siya ay iba ang pinapahiwatig nga mga mata nito. Nababalot ng napakaraming emosyon.

They say that our eyes are the window through our soul, kaya ba misteryoso ang mga mata nito ay dahil misteryoso din ang pagkatao niya?

Namula ang mukha ko ng ngitian niya ako. Kaya naman agad akong napatungo at tinuon ang atensyon sa pagkain.

Love Thy EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon