Chapter Eighteen

3 0 0
                                    

Love... has so many definitions and defined by the people who actually felt it and experienced it. They defined it based on the situations or scenarios in life that required deep thinking.

Pero para sa akin? Ano nga ba ang pagmamahal? Ito bang pagdagundong ng puso ko sa tuwing makikita ko or malapit sa akin si Axel ay enough reason na to conclude that I love him after all?

Although I have admitted to myself that I fell in love with him days ago, pero wala pa din akong depinisyon na maibigay kung anong klaseng pagmamahal ba ang nararamdaman ko sa kanya.

Malakas akong napabuntong hininga habang nasa treadmill. Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi pagkauwi galing sa party dahil parang sirang plaka na nagpplay sa utak ko ang huling usapan namin ni Axel at ang kanyang weird action towards me.

He thinks that those kisses were nothing to me. He was wrong about that. It was a big deal to me. A big blow. But I won't tell him that dahil pakiramdam ko, aasa lang ako. Dahil oras na bigyan ko siya ng reaksyon or kasagutan doon, pakiramdam ko, siya na ang hahawak sa akin. Kaya niya na akong pasunurin sa lahat ng bagay.

And I don't like that.

Naputol ang lalim ng pag-iisip ko nang biglang nawala ang music sa airpods ko at napalitan ng ringtone ko.

It was an unregistered phone number that is calling me. Tinitigan ko ang phone ko, thinking if I should take it. Who could it be?

My curiosity took over my body, because I swiped it to answer.

"Hello.." sagot ko.

"Good morning po, Ma'am Maxine," sagot ng lalaking nasa kabilang linya. "Pasensya na po sa abala pero kayo lang po kasi ang pwede naming tawagan."

Kumunot ang noo ko sa lito at katanungan sa isip ko.

"Uhm, who's this?" I asked.

"Security po ito sa COD, ipapakisuyo lang po sana namin na sunduin si Mr. Axel Madrigal dito, lasing na lasing po kasi."

Now, what? I suddenly turned into his guardian? Tsk.

"Sorry, bakit ako ang tinatawagan nyo? You call his fiancé to pick him up,"

I don't know what to say. First, nagpakalasing si Axel? Why? Did the two had a brawl last night? at sino or ano ang dahilan? Did her fiancé got jealous when Axel chased me? Oh no.

"Ma'am, kasi po kayo lang ang nasa contact list ng cellphone ni Mr. Madrigal, wala na pong iba."

This is confusing.

"I'll be there," without thinking twice, I immediately turned off the treadmill at inimis ko ang mga gamit na nasa isang bench malapit doon.

Agad akong umalis ng gym at dumiretso sa unit ko. Pagkapasok ay agad na nagbihis at kinuha ang susi ng sasakyan.

Agad kong napansin ang gray sports car ni Axel paghimpil ko ng aking sasakyan sa parking lot ng naturang bar kung nasaan si Axel.

Pagpasok ko sa loob ay agad kong nakita si Axel. Tulog na tulog ito habang nakasubsob ang mukha sa mesa, hawak sa isang kamay ang necktie na tinanggal na. Nakatupi na rin ang hanggang siko nito ang manggas ng long-sleeved polo na suot nito.

Kahit naman kaaway ang turing ko sa kanya ay may malasakit pa din ako sa kanya dahil bestfriend siya ng kuya ko at halos sa bahay na namin siya tumira noon.

Paglapit ko ay hindi ko alam kung sasabunutan o kaaawaan ko ba ang taong to. I had never seen him in a state like that. He looks so wasted.

"Sorry, Ma'am. Hindi po kami makapagsara ng bar dahil nandito pa siya, kaya po tinawagan na namin po kayo." Sabi ng bartender.

Love Thy EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon