Chapter Thirteen

7 1 0
                                    

Dumiretso kami sa kusina upang kumain. Nadatnan namin ang mag-asawang caretaker na naghahanda ng pinaluto ni Axel.

"Handa na po ang tanghalian nyo, Sir, Ma'am." anunsyo ni Aling Inday.

"Sumabay na din po kayo sa amin." anyaya ni Axel habang ginigiya ako sa mesa. Hinila niya ang upuan at pinaupo ako at umupo naman siya sa tabi ko.

This is the first time that we actually had lunch together na magkatabi. Noon kasi kapag sa bahay siya nakain, lagi kaming magkaharap. Pinagsilbihan niya ako. Ikinuha niya ako ng plato at kubyertos. Nilagyan niya ng kanin ang plato ko bago ang kanya.

Naglagay din siya ng ulam sa tasa at binigay sa akin. Teka, para kaming magkasintahan kung umakto sa harap ng dalawang mag-asawa. Napatingin ako sa kanila, nakangiti silang nakatingin sa amin.

"Hindi na hijo, may aayusin pa kami sa garden. Mauna na kayo." magalang na sabi ni Aling Inday.

"Siya nga pala, baka gusto niyong mamasyal, fiesta ngayon sa bayan, maraming mgaganda na tiangge doon. Baka naiinip na si Ma'am dito eh." natatawang sabi ni Mang Pedring.

Agad akong umiling at nagsalita.

"Naku, hindi naman po sa ganoon. Actually nag-eenjoy ako na libutin ang kabuuang villa. Nakaka-engganyo."

True enough. Nag-eenjoy akong mag-ikot sa villa. I love how the place is organize. From having a piano room, theater room and art room. Well organized at pinag-isipang mabuti ang pag-ayos ng tumira dito noon.

"Ahm, ano ho bang nangyari da dating may-ari po nito? Bakit po sila umalis at napagdesisyunan na ipagbili ito?" kuryoso kong tanong.

Nagkatinginan ang dalawang matanda at sabay silang tumingin kay Axel. Tumikhim si Axel at siya ang sumagot.

"Ang alam ko, hindi na naalagaan ng napag-iwanan tong villa kaya napagdesisyunan na ipagbili na lang."

"Ganoon ba? Sayang naman. Maganda pa naman. Saka maraming memories."

I could imagine how hard it was to let go of this kind of beautiful villa. Kahit medyo luma na, alam mong inalagaan at prinoktehan hanggang sa napagdesisyunan na ipagbili. Ano kayang pumasok sa isip ng may-ari at napagdesisyunan niyang ipagbili ang ganito kagandang villa?

"Yeah. You could say that. Maybe the previous owner is moving forward to his life and decided to let go of the past." sabi ni Axel.

Nagtataka ko siyang tiningnan. He seems to know the previous owner.

"Do you personally know the previous owner?" hindi ko mapigilang itanong.

"Yeah. You could say that. I recommend this place to Laud." he simply said.

"Oh. that's why. I wanna meet AGX actually. He seems an interesting person. I wanna meet him personally."

Tiningnan niya ako at pinagtaasan ng kilay.

"And why is that? Ano naman ang napukaw ng atensyon mo sa kanya?" tanong niya.

"Madami. His paintings. His emotions. I honestly think that he is emotional person. Nilalabas niya sa painting niya at pinaramdam niya yon sa mga tumitingin sa paintings niya. He's a genius!" manghang sabi ko. "I think I like him!" wala sa loob na nasabi ko.

"How can you like a person when you haven't met him?" utas niya.

Napatingin ako sa kanya. Kita ang iritasyon sa mukha niya. Na para bang hindi niya nagugustuhan ang mga sinasabi ko.

"Who wouldn't like a genius like him? I would personally date him if given a chance. I'll ask kuya na ipakilala ako sa kanya once he get back!" excited kong sabi.

Love Thy EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon