Chapter Two

16 4 0
                                    

Bakit nga ba ako nandito sa harap ng bahay ni kuya na may dalang maleta?

Ah. I forgot. I lost the game.

Nagkaroon nga pala kami ng chess game ng kuya ko at kung sino ang mananalo ay magkakaroon ng isang kahilingan. Bago pa man kami magsimula ay alam ko na agad ang hihilingin nya at dahil confident akong mananalo ay tinanggap ko ang hamon nya. Na isang pagkakamali sa akin dahil natalo ako.

Damn! Sana lang. Hindi ko sya makita. Makita ko na ang lahat, wag lang sya! Pero sadyang mapaglaro talaga ang tadhana. Yung taong ayaw na ayaw kong makita ay palabas na ngayon ng bahay nya na katapat lang ng bahay ni Kuya. I rolled my eyes. Presensya nya pa lang kumukulo na ang dugo ko,  paano pa kaya kapag nakita ko na siya? Nakoooo. Sana, sana lang. Mapigilan ko ang sarili ko. Self-control. Isa ito sa mga tinuturo ko sa mga estudyante ko kailangan kong i-apply sa sarili ko 'to.

"Hello my new neighbor! Welcome to the village! Glad to see you again!" Masaya niyang bati.

Plastik akong ngumiti sa kanya bago nagsalita.

"Hi. Thank you for your warm welcome and I am not glad to see you." Sarkastiko kong sabi. I am not pleased to see him. In fact, kung pwede nga lang takpan ang mukha nya para lang di ko sya makita ay ginawa ko na. But I am not an irrelevant person. Hindi ko gagawin yun. Pero kapag sinagad nya na naman ang pasensya ko, baka di ko na mapigilan.

Bago pa kami magkaasaran ay binuksan ko na ang gate at dali daling pumasok sa loob ng bahay.

Pagkapasok ko sa bahay ni Kuya ay agad akong nakaramdan ng sense of familiarity. Madalas akong tumambay noon sa bahay ni kuya nung mga huling taon ko sa masteral ko. At ayun nga, halos tatlong taon din ako hindi nakapunta dito.

Pinagmasdan ko kabuuan ng sala, walang gaanong nagbago, kung ano ang huli kong nakita ay ganun pa din ang ayos, well may mga nadagdag pero all in all ganun pa din.

Tiningnan ko ang mga paintings na nakasabit sa dingding, agad kong napansin ang isang painting na nandoon, which I'm sure na wala iyon noon, bago lang siguro.

Sa painting, isang babaeng nakaupo sa ilalim ng acacia tree, sa tapat ng isang building na may hawak na libro at nagbabasa. Napakunot-noo ako, parang pamilyar sa akin ang lugar na ito at tagpong ito.

Tinitigan ko yung babae sa painting mahaba ang buhok nito at may suot na salamin sa mata. This is something familiar ngunit hindi ko matandaan kung saan ko ito nakita..

Inilakbay ko ang aking mga mata sa painting na iyon hanggang sa mapadako ang tingin ko sa may ibaba at may nakaukit na initials ng pangalan.

A.G.X..

Kanino kaya nabili ni kuya 'to? Ayun siguro ang initials ng pangalan ng nagpinta ng paint na iyon. Titig na titig pa din ako sa painting na iyon, pilit na inaalala kung saan ko iyon nakita.

Natigil lamang ako sa pag-iisip ng biglang may nag-doorbell. Napakunot-noo ako. Wala akong inaasahan na bisita ngayon at ayon na din kay kuya ay alam lahat ng kakilala niya na out of country sya.

Kunot ang noo akong lumakad patungo sa pintuan para pagbuksan ang unexpected visitor ko sa araw ma iyon.

Lalong nangunot at nalukot ang aking mukha ng mapagbuksan ko ng pinto ang taong nag doorbell na iyon. Walang iba kundi ang most hated enemy-slash-neighbour ko simula sa araw na iyon. Nakangiti siya at may hawak na tupperware.

"Hi! Ipinagluto kita ng lunch." Magiliw na sabi nito.

Agarang napataas ang kilay ko. Since when did he learn to cook? Not that I know everything about him, pero sa pagkakatanda ko ay hindi sya marunong magluto noon.

Love Thy EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon