Prologue

56 3 2
                                    

Dali dali akong tumakbo paakyat ng business management department para maiabot sa kuya ko ang naiwan nyang project. 20 minutes na lang bago mag-umpisa ang unang klase ko sa araw na yun kaya kailangan kong magmadali at maiabot ito sa kanya.

Napaka terror pa naman ng prof ko sa unang subject namin. Pareho kami ng university na pinapasukan ng kuya ko pero magkaiba kami ng year ant course. Ang kuya ko ay 3rd year college sa kursong business management major in marketing habang ako naman ay 1st year college sa kursong BS-Psychology.

At dahil magkaiba kami ng kurso ay magkaiba din kami ng building at department. Kaya ngayon lakad-takbo ang ginagawa ko maabot lang sa kanya yung project na naiwan nya. Ewan ko ba naman sa kuya kong ito, sa dinami dami na pwedeng kalimutan ay yung project nya pa kaya ngayon heto ako at tumatakbo papunta sa room nya.

"Room 305. Shit! 3rd floor pa!" Agad akong pumunta sa elevator pero hindi na ako nakapasok dahil full na. Damn! No choice ako kundi ang maghagdan.

Nakakainis. Sa bawat hagdan ay may mga estudyanteng nakaupo, pababa at paakyat kaya di agad ako makasingit. Tumingin ako sa relo ko, damn. 10 minutes na lang. Dali dali akong umakyat, mabangga ang mabangga wala na akong pake dahil hindi sila ang mapapagalitan ng prof ko.

Nasa second floor na ako ng makita ko yung mga kaklase ng kuya ko, isa na doon ang bestfriend nyang si Angelo.

Pinagmasdan ko sya, as usual, pinapaligiran na naman sya ng mga babae at mukha syang..... Hindi mapakali. I smirked. Napakababaero kasi. I'm sure nacorner na naman sya ng mga babae nya.

At kami ng kuya ko ang tagapagligtas nya. Kunsabagay, sino ba naman ang hindi magkakagusto sa kanya? Varsity player, matangkad, maputi, idagdag pa ang blue-green eyes niya at mahahabang pilik-mata na lalo pang nagpatingkad sa magaganda niyang mata. Hindi maipagkakaila na gwapo ang isang 'to.

Ang kuya ko naman ay captain ng basketball at halos magkaparehas lang sila when it comes to physical appearance. At pinagkaiba? Hays. Suplado ang kuya ko at loyal habang sya? Napakababaero. Lahat inientertain. Tsk. Napa-iling na lang ako sa sitwasyon nya.

I was about to call him para makisuyo sa kanya pero bago ko pa sya matawag ay napalingon na sya sa akin at agad na nagtama ang aming mga mata. Bakas sa mata nya na gusto nya ng makatakas sa mga babaeng nakapaligid sa kanya. Ng makita nya ako ay agad na nagliwanag at nagkaroon ng pag-asa sa mga mata nya. Tumingin sya sa mga babae at saglit na nagpaalam bago lumakad palapit sa akin.

And the next thing he did was so unexpected from him. Halos hindi ako nakagalaw at napatulala ng ilang minuto matapos syang lumapit at gawin iyon sa akin. It gave me a thousand goose bumps all over my body at naging manhid din ata ang buong katawan ko. Halos nakatulala lang ako at hindi gumagalaw.

Pinaprocess pa ng utak ko ang nangyaring iyon. Napakabilis ng pangyayaring iyon at hindi agad naprocess ng utak ko. Wari ba'y tumigil ang pag-ikot ng mundo at lahat ng taong nasa paligid ay tumigil na para bang tumigil ang takbo ng oras. Tanging ang malakas at mabilis lang na tibok ng puso ko ang naririnig ko.

Did he just kiss me?! Nang matauhan ako at agad kong iginala ang aking paningin at lahat sila'y nakatingin sa akin. Now.... I think I know what just happened.....

Angelo Exel Madrigal kissed me!!!!

Ang bestfriend ng kuya ko na napakababaero ay hinalikan ako sa gitna ng mga estudyanteng naririto sa 2nd floor building ng business department!!! Nanlalaki ang mga mata kong napatingin ako sa kanya. I was greeted by his usual charming smile and his eyes na puno ng kalokohan.

Naipon lahat ng dugo ko sa mukha ko at feeling ko pulang pula na ang mukha ko. Kahihiyan at galit ang nararamdaman ko ngayon. Agad na umigkas ang kamao ko sa mukha nya dahilan para sya ay mapaupo.

Damn it! Sinapak ko sya dala na din ng nararamdaman ko at agad na tumakbo pababa. Nakalimutan ko na ata ang dahilan ko sa pagpunta sa department na iyon. Damn it! That asshole just stole my first kiss! At sa dinami dami sya pa ang naging first kiss ko! Damn it!!!!!

Nakakainis! Urgh! Shit! What an asshole! Wag na wag syang magpapakita sa akin dahil baka di ako makapagpigil ay mabugbog ko sya! At doon ko lang narealize na hawak ko pa din pala ang project ng kuya ko.

"WHAT THE HELL?!! LAGOT AKO SA KUYA KO!" Sigaw ko.

Love Thy EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon