CHAPTER TWELVE: Fieldtrip

8 0 0
                                    

CHAPTER TWELVE: Fieldtrip

"Nasan na ba yun?Magpakita ka naman ohhh! Malelate na 'ko."

Kalkal dito,kalkal doon.Kakaligo ko lang pawis na agad -__- Nasan na ba kasi yun? Naman oh.

"Queen! Bilisan mo nga dyan! Malelate na tayo oh.Parating na yung bus!"

sigaw ni Princess mula sa labas.

"Saglit nga!Di ko mahanap e!"

Maya maya pa,pumasok na si Princess sa kwarto ng nakapamewang at nakataas ang kilay.

"Ano ba kasi yung hinahanap mo?At umaabot ka ng oras dyan." mataray nyang tanong.

"Yung ano ko!" tuloy-tuloy pa din ako sa paghahanap.

"Anong ano mo?"

"Yung ano ko!" sa ilalim na ng kama ako naghahanap.

"Ano ngang ano mo?!" nabatukan na nya ako this time.Humarap naman ako sa kanya pero yung mata ko naghahanap pa din.

"Yung ano.Nakakainis,di ko mahanap.Importante yun sakin lalo na pag babyahe."

"Ano nga kasi yun?! Isa pang ano,sasapakin na kita."

Di ko pinansin yung sinabi ni Princess.Nilibot ko lang yung mata ko sa taas ng mga cabinet para maghanap,malay mo nandun daba?

Sa paglibot ng mata ko,nakita ko yung nakalawit na tag price at alam ko na iyon na yung kanina ko pang hinahanap.

"Yes!Nakita ko na din sa wakas!" sabay bangga ko kay Princess at tumungtong sa kama saka kinuha.

"Imissyou Hello Kitty!Bat di ka kasi nagpakita agad? T.T" mangiyak-ngiyak kong kausap sa travel pillow ko na si Hello Kitty habang niyayakap.

*Pak* Habang niyayakap ko si Hello Kitty,nainlove na naman ang palad ni Princess sa ulo ko -___-

"Gaga ka talaga!Kala ko kung ano.Tara na nga." saka sya naunang lumabas.

Ngayon kumpleto na gamit ko ^___^ Yung bus nalang ang kailangan.

*Peep peep*

"Queeeeen!Lumabas ka na nga dyan.Tama na drama mo dyan sa hello kitty na yan!" sigaw na naman ni Princess.

"Mahal na mahal namin isa't-isa Princess!" sigaw ko pabalik.

"Lintek ka!Bahala ka maiwan dyan."

"Eto na lalabas na!"

Pagkalabas namin,nandun na yung bus nag-aabang.Buti nalang talaga sosyalin ang pinasukan kong school,talagang susunduin ka pa.Bwahahaha.

Pahakbang na sana ako para umakyat sa bus,kaso biglang may nagbangga sakin para mauna.

"A-aray aray!"

Buti nalang nakakapit ako sa may hawakan kung hindi,lalanding ang mukha ko sa semento.Teka,sino ba kasing hinayupak ang nagtulak sakin?

"Oh,di ka pa aakyat Ms.Dela Cruz?Pati ba naman bus gagawan mo ng dance step?"

Ang itsura ko po kasi ngayon ay nakakapit sa may hawakan tapos yung isa kong paa nakasabit sa hagdan.Edi parang nakabukaka ako no?Pero nakapantalon naman e.

"Eto na aakyat na!Talagang mahal na mahal mo 'ko Madam e no?"

Yes,yung baklang prof na naman namin ang nagsungit sakin -_- Agang-aga e.

Paakyat na sana ako kaso ..

*Booogsh*

"Queen,ayos ka lang ba?"

Queen Of FrustrationsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon