CHAPTER FOUR: Is it real? Is it real?
"Since,tapos na ang 1 week suspension nyo pwede na kayong pumasok sa mga rooms nyo.Pag may nabalitaan ulit ako tungkol sa inyong dalawa,mas malala pa dun ang ipapagawa ko sa inyo."
Yes! Tapos na ang 1 week namin ni My Kent.Mabilis talaga ang takbo ng istorya ko lalo na pag wala masyadong nangyayari.Nung mga nagdaang araw na paglilinis namin,wag na kayong magexpect na nagkaayos kami.Dahil sa mga araw na yun,walang ibang maririnig sa Cr kundi sigawan.
"Wala na talaga kayong mababalitaan tungkol sakin Ma'am.Promise *taas ng kaliwang kamay*"
"*batok* Wag kayong maniniwala dyan Ma'am.Tamo oh,pagpapromise palang mali-mali na."
Kontrabida talaga kahit kailan 'to si My Kent -_-
"Ano bang problema mo sakin? Saka,makabatok ka ah! Nung isang isang isang araw ka pa!" sigaw ko naman sa kanya.
"Whatever." sagot nya sabay irap.
Bakla siguro 'to? Nako,wag naman sana.Paano na ang future ko?
"Osya sya,magsialis na kayo sa harapan ko.Dun kayo sa labas magbangayan! Ang iingay nyo."
Buti naman at seryoso ngayon si Ma'am Sal Tek.
Tumayo na naman kami para lumabas,pero
"Oh.San kayo pupunta?! Kinakausap ko kayo tapos tatalikuran nyo lang ako?! Mga bastos."
Akala ko naman seryoso na huhu.
Humarap naman kaming dalawa ni My Kent na may gantong mukha =…=
"Kakasabi nyo lang po na lumabas na kami Ma'am Sal Tek."
sagot ni My Kent.
"Hoy! Wala akong saltek! Nakakahighblood talaga kayong mga bata kayo! Magsilayas nga kayo sa harapan ko!"
Pagkasigaw nun ni Ma'am,nag-unahan kaming tumakbo palabas.Nakipagsiksikan pa nga sakin 'tong si My Kent -_-
Nung makita na nya yung building ng department nya,tinalikuran nya na agad ako.Ang bastos diba?
"Hoy!" sigaw ko sa kanya.
Bored na bored naman syang humarap.
"Ano na naman?"
"Hindi ka manlang ba magpapaalam sakin or something? Kabastusan naman kasi yu--"
"Bye." saka na sya ulit tumalikod at nagmadaling umakyat.
"URGH! KUNG HINDI LANG TALAGA KITA CRUSH!" padabog kong sigaw.
@ROOM
"Wow.Finally! Kamusta naman ang DALAWANG BUWAN mong pagkadengue Ms.Dela Cruz?"
salubong ng Prof.Alam ko namang sarcastic yon -,- Pang-asar lang diba? Buti nga pinasukan ko pa sya eh.
"Okay lang po Sir este Madam.Ang saya nga magkadengue eh."
sagot ko din na may pagkasarcastic.Akala naman nya!
"Gusto mo bang magkaroon ulit ng suspension Ms.DELA CRUZ?!"
galit nyang tanong.
"Sus.Makikipag-asaran ka sakin,magagalit ka din naman.Sorry na girl! Uupo na ako at magturo ka nalang dyan ;)"
Inirapan nya lang ako.Hahaha! Favorite ko talaga 'tong prof na 'to.
"Welcome sa college Queen."
sarcastic na bati sakin ni Cess.
"Thankyou." sagot ko din.
Jusko.Bat ang sasarcastic ng tao ngayon?
@CANTEEN
Odiba? Mabilis talaga ang takbo ng buhay ko.Hahahaha.Lunch break na ~ Favorite subject ko ito =))))
"Hi girls."
Napatingin naman kami ni Cess sa bumati samin.Inirapan lang namin ng sabay.As if naman Close namin 'tong lalaking 'to? Kahit heartthrob pa sya.
"Hindi nyo manlang ba ako babatiin? or aayain tumabi sa inyo?"
Feeling naman 'to.
Nagkatinginan naman kami ni Cess,sa tingin palang nagkakasundo na kami.
Sabay naming tinapos yung pagkain namin,nandun pa din naman sya.
"Hello.Oyan,pwede ka nang umupo.Enjoy!" sabay naming sabi ni Cess sabay alis.
"Apir tayo dyan Sis!" aya ko kay Cess pero tinignan lang yung kamay ko.Kahit kailan talaga.
"Sabi ko nga eh,ako nalang makikipag-apiran sa sarili ko.Apir tayo Queen! *Pak*"
Ayan.Nakipag-apiran talaga ako sa sarili ko.KJ kasi 'tong si Cess -_-
1 hour+1 hour+2 hours+1 hour.
Nakakalimang subject na kami,ang tagal mag-uwian! Huhu.2 more subjects pa ~
"Excuse me."
Hay salamat naman at tumigil sa kakadakdak si Ma'am.
"Yes?" sagot nya sa nagEexcuse.Tumungo nalang ako,inaantok talaga ako eh.
"Excuse nga po kay Miss Tourism."
Ang tanga naman nung nagtanong -_- Hindi ba nya alam na itong department na 'to ay puro tourism?
"Lahat dito tourism Mister."
"Ah.*bulong-ano ba kasing pangalan nung babaeng yun?* E-eh.Hmmm."
"Mageexcuse ka dito hindi mo naman pala alam ang pangalan ng ieexcuse mo." Hard talaga nito ni Ma'am.
"Hoy Queen.Umayos ka nga dyan! May naghahanap sayo sa labas." bulong sakin ni Cess.
Umayos naman ako para makita yung naghahanap daw sakin.
"Sino ba ka--MY KENTTTTTT! OMG! AKO BA HINAHANAP MO? SORRY NAKATUNGO KA--si ako eh.Hehe."
Waaaaaah! Nakakahiya talaga ako kahit kailan.Nasigaw ko tuloy yung MY KENT! Kainin sana ako ng lupa.Ay,nung tiles nalang pala since wala namang lupa.
Pero ang galing lang ni Cess,alam nyang ako ang hinahanap ni My Kent.Yieeeee <3
At saka hindi pala tanga ang naghahanap sakin.Binabawi ko na.Si My Kent yun eh :)
"Harapin mo na nga lang 'to Miss Dela Cruz kesa sumigaw ka pa dyan."
Tumayo naman ako kagad para harapin si My Kent.Wala nang hiya-hiya tungkol sa nasigaw ko kanina.Siguro ngayon na nya aaminin na mahal nya ako hihi.
"Uy ano ka ba Kent.Inexcuse mo pa talaga ako para makapagconfess ka sakin? Hihi.Ano ba yan! Kinikilig tuloy ako.Oh,kanino yang flowers? Sakin noh? Thank you ha.Aylabyu na talaga." sabay hablot nung flowers.Inamoy-amoy ko pa.Feeling na kung feeling,malay mo naman para sakin talaga 'to diba?
"Aish.Tsk.*kamot sa ulo* Oo,para sayo nga yan."
O.o sabi sa inyo eh! Yung pagkafeeling ko,minsan may patutunguhan din naman eh.
"Is it real? Is it real?"
Nanlalaki kong matang tanong.
Ow Em Jiiiii! Magkakaroon na ba ako ng first boyfriend?
"Yeah.Sige,alis na ko."
"We-wait.Kinilig ako sa flowers na 'to pero mas kikiligin ako kung may aaminin ka sakin :">"
This is it! Pancit!
"Ah.Oo,pinapabigay nga pala yan ni Lhoyd sayo.Pwede ka nang kiligin."
sabay talikod nya.
"Is.It.Real.?"
Walang buhay kong tanong.
Kahit kailan wala palang patutunguhan ang pagkafeeling ko -.-
