CHAPTER TWENTY-ONE: Speechless
Matapos ang pagshoshooting star namin ni My Kent,pumasok na din kami sa loob dahil super lamig na din kasi sa labas at kami nalang din ang gising.
"Goodnight na. Matulog ka na agad pagpasok mo ha?"
Kasalukuyang nasa tapat palang kami ng pinto ng kwarto namin at gumagawa na naman kami ng kalanggamang eksena hihi :">
"Pagpasok agad? Ano yun,pagkasara ng pinto matutulog na agad akong nakatayo ganun? Hindi ba pwedeng pagkahiga ko sa kama ko?"
Inirapan nya nalang ako sa sagot ko. Ano pa nga ba?
"Pwede naman e,panindigan mo yang sinabi mo ha. Dali pumasok ka na at sumandal ka sa pinto pagkatapos masara at matulog ka ng mahimbing ha? Ts. *sarcasm*"
"Joke lang e,sineryoso mo. Kapag ikaw namimilosopo di naman kita inaano ah."
"Oo na,oo na. Di ka talaga titigil e no? Pasok na. Goodnight."
Medyo tinulak nya pa 'ko papasok. Masamang nilalang talaga 'to si My Kent kahit boyfriend ko na e.
"Sama ever. *irap* Goodnight na nga My Kent."
Isasara ko na yung pinto pero pinigilan nya,hinigit nya 'ko bigla at niyakap. Omorgosh. Sana makatulog pa 'ko ng maayos.
After ilang seconds,hinawakan nya yung magkabila kong pisngi at dahan-dahan nya 'kong hinalikan.....sa noo.
"Goodnight My Queen."
Tinulak nya ulit ako papaloob at sya na nagsarado ng pinto kasi nakatulala pa 'ko.
Hinawakan ko yung noo kong hinalikan nya.
"Ts. Hindi pa sa lips e. *pukpok sa ulo* Aish! Ano ba 'tong sinasabi ko?! Kaewanan na naman. Makatulog na nga lang."
Sumandal ako sa pinto at saka pumikit.
Kinabukasan ...
*booogsh*
"Arouch! Ano ba naman yan!"
Sigaw ko habang hinihimas ang noo.
Paano ba naman,may nagbukas ng pinto kaya lumanding ako sa sahig -____-
"Ms.Dela Cruz? Ano ba kasing ginagawa mo dyan sa likod ng pinto?"
Nabosesan kong si Ma'am Galang pala kaya tumayo ako ng maayos.
"Uhm. Natutulog po."
Napakunot naman sya ng noo.
"Huh? Anong natutulog?"
Nagtataka nyang tanong.
"Sleeping Ma'am. English po ng Natutulog." Sagot ko.
"*iling iling* I mean,seryosong dito ka natulog sa likod ng pinto? At nakatayo pa?"
"Opo Ma'am."
"Pambihira ka talagang bata ka."
Napailing-iling nalang sya at saka bumaling sa mga kasama ko na natutulog pa din hanggang ngayon. So,maaga pa pala? Ata?
"Girls,gising na! Bumaba na kayo para sabay-sabay tayong magbreakfast. Wala tayong activity for today hanggang makauwi tayo kaya pwede kayong maggala-gala kung saan pero syempre may time. Mamaya namin ipapaliwanag,mag-ayos muna kayo."
Pagkatapos sabihin yan ni Ma'am,dumiretso na 'ko sa Cr para ako unang makapag-ayos at di na makisabay sa kanila.
Pagkatapos kong maligo,nagsuklay ako sa whole body na salamin. Napansin kong namumula yung noo ko kaya lumapit pa 'ko ng konti para malaman kung ano yung nasa noo ko.