CHAPTER THIRTEEN: Starting
After ng nangyari kaninang kaOA-yan,pinababa na kami papuntang dining area. Nakakainis lang kasi bat ganun sila magreact kanina? Di naman talaga ako panget diba?
*pok*
"Kumain ka na,tulala ka na naman." Kahit kailan talaga 'to si Cess,panggulo. At alam nyo ba kung anong ginawa ni Princess San kanina nung marinig yung sigaw ko? Tumawa lang naman sya habang naliligo -_- Actually hanggang pag labas nga e. True friend right? Psh.
"Nga pala,pwede kayong maggala-gala ngayong gabi pero hanggang 10 pm lang. Masarap kasi maglakad dito tuwing gabi. Pero before 10 dapat nandito na kayo." sabi samin ni Mrs.Bautista. Nagsitanguan lang kami dahil busy sa pag kain.
Matapos namin kumain,nagkanya-kanya na kaming bihis para gumala.Syempre sino pa bang kasama ko? Si Princess lang naman.
"Tenen!Ang ganda ko na Cess!"
"K."
Binato ko sya ng unan. K? Yan lang ba talaga ang masasabi nya sa kagandahan ko? Hindi ito maaari.
"Ang OA naman kasi ng suot mo. Feeling mo? Nasa Korea ka? Ilang patong bang t-shirt at jacket yan Queen? Sinamahan mo pa ng bonet? Honesto ampeg?"
"Wapaks. Nahiya naman kasi ako sa suot mo no. Nahiya talaga ako sobra."
"Anong masama sa sleeveless? Besides,di naman ako lalamigin kasi nakapants naman ako."
"May pagkaengot ka din pala Cess.Hahaha."
Lumabas na din naman kami pagkatapos naming mag-asaran. Malapit lang yung Mine's View Park sa Retreat House namin kaya dun nalang muna kami tumambay.
"Wow.Ang ganda Cess." hangang-hanga kong sabi habang parang tanaw na tanaw ko yung buong baguio. Nakakalula din dahil talagang makikita mong bundok talaga sya sa sobrang taas.
"This is so amazing." lumingon naman ako kay Cess pagkatapos nya yung sabihin.
"Alam mo Princess,maganda ka kapag nakangiti. Wag ka na kasing masungit." Napasimangot naman sya kaagad.
"Wala na.Sira na ulit mood ko." paJoke nyang sabi kaya nagtawanan nalang kami.
Maya maya pa'y,tumunog ang phone ni Cess kaya nagpaalam lang sya na sasagutin nya yun.Ako naman,nakatanaw pa din sa ganda ng Baguio,habang nakangiti.
"You like Strawberry Taho?" napalingon naman ako sa nag-alok sakin. Totoo ba 'to? Di ba 'ko nananaginip?
"Ayaw mo? Di wag." at saka nya ininom ng deretsahan yung Strawberry taho. -____-
"Grabe ka talaga sakin My Kent no?"
"Ako na kasi yung nag-aalok,ang tagal pa bago sumagot tsk." Ang saya ko kanina dahil sa paghanga ko sa Baguio tapos dumating na naman 'tong si My Kent at susungitan lang ako? How dare he? o him? Nako,hayaan na nga.
"Ts. Makaalis na nga lang." sabi ko nalang. Ayoko namang masira ang mood ko ngayon dahil lang dito e. Kahit pa crush ko sya,tsk.
Paalis na sana ako pero bigla nya 'kong hinigit at saka ... at saka ... at saka ... isa pang ulit? At saka ... inakbayan? O.o
"Wala akong kausap." simpleng sabi nya habang nakaakbay pa din sakin.
"Alam mo minsan nagtataka na 'ko e,baliw ka ba?"
Napangiti lang sya sa sinabi ko. Oh my! Napangiti sya! Ang gwapo talaga ni My Kent :">
"Ako pa talaga ang tinanong mo nyan ha? Psh." Bumalik na naman sya sa pagiging masungit -____-
"E kasi nalilito na 'ko sayo My Kent. Ewan ko kung ano ba talagang dapat kong mafeel sayo. Minsan,mabait ka pero minsan lang :p Madalas,masungit ka. Bipolar?"
"Nagsisimula palang akong maging komportable sayo Queen."
Ito bang ang first time na tinawag nya 'ko sa pangalan ko? Ito baaaa? Ewan ko lang kasi kung tinawag nya na 'ko dati e,pero yung pagtawag nya sa pangalan ko ngayon...nakakatuwa,nakakakilig.
Hindi nalang ako umimik sa sinabi nya. Ano bang sasabihin ko? Naker. Kilig Overload na naman ako hihihi.
"Ewan ko din kung bat ako masungit e,siguro nga bipolar na. Pero di naman masamang magbago diba? Besides,nakilala kita at ewan ko kung bat minsan naiisip ko na,gusto pa kitang makaclose kahit may pagkapraning ka"
Pagkapraning pa talaga? Pero Emergesh lang dahil sa ini-speech nya hihi.
"Gusto pa kitang makilala lalo.Nagsisimula palang ako Queen. Siguro,in this way makakabawi ako sa mga kasalanan ko sayo kahit pano." Saka sya tumingin sakin at nagsmile na naman!!! Grabehan na 'to :"""> Sana di 'to panaginip.
*tik*
"Natulala ka? Psh." Masungit na naman po sya Madlang Pipol T.T
"Ah.Eh. Wala akong masabi e. Sana di 'to panaginip My Kent." yan nalang ang nasabi ko at nagsmile nalang din sya.
Napatingin ako sa kamay nyang nakaakbay pa din sakin. Napakagat nalang ako sa labi ko para mapigilan ang kilig. Eto na talaga! Sana lumevel up pa lalo ang samin ni My Kent BWAHAHAHAHAHAHA! :">
**
A/N
Walang matinong plot ang istoryang ito kaya walang kokontra kung sa bawat chapter ay putol yung eksena. Ganun talaga yun,by chapter nga e Hahaha. K,byeeee. Sana nagustuhan nyo.
#Godbless - Kitkathmoo
![](https://img.wattpad.com/cover/14740004-288-k340085.jpg)