CHAPTER FIVE: Ayoko sayo.
"Akala ko naman sya talaga nagbigay nitong flowers *sigh*"
"9.Isa pang sabi ng ganyan.Mababatukan na kita Queen."
Bat ba ayaw nalang akong icomfort ni Cess?
"Akala ko naman--oh oh! Wag na wag mo kong babatukan.Ang sasabihin ko,akala ko naman magkakaroon na ko ng first boyfriend.Aray!"
Kahit pala napigilan ko na yung kamay nya,binatukan pa din ako -_-
"Magseryoso ka naman sa buhay Queen." seryoso nyang sabi.Ay mali! Araw-araw naman syang seryoso eh.
"Bakit,seryoso naman ako kay My Kent ah?"
"I mean,magseryoso ka naman sa lahat ng bagay.Kahit ilang buwan palang tayong nagkakasama dito sa apartment na 'to,alam kong puro kalokohan lang alam mo."
"Wala eh.Ganito talaga ako.Ayaw kong magbago.Di mo ko masisisi *shrug*"
"Tss.Sabi ko nga,may pinadeliver akong pizza.Yun nalang muna kainin natin for today.Maliligo lang ako."
Yaman talaga nitong si Cess! May padeli-deliver pang nalalaman.
Anyways,sabado ngayon kaya nakakaboring.Walang magawa.Tinitigan ko lang 'tong flowers na binigay sakin ni My Kent na pinapabigay lang pala nung Lhoyd. Grabe,humahaba ang buhok ko ngayon ah.Pero pangalan palang,hindi ko na type eh.Sorry nalang kay Lhoyd.
*Dingdong*
Ayan na siguro yung pizza.
Pagbukas ko ng pinto,
"Ay palakang nabuntis! Ano ba naman My Kent!"
Hindi na ako nahihiyang itawag sa kanya yan.Kailan nga ba ako nahiya? Hahaha.
"Hanong *hik* pangalan mo?"
tanong nya sakin.Halata naman sigurong lasing sya diba? Teka,pano nya nalaman itong apartment namin?
"Queen! Nandyan na ba yung pizza? Kanina pa kasi ako nagu--anong ginagawa nyan dito?!"
sigaw ni Cess.
"Hindi ko din alam eh.Hindi nya naman alam 'tong apartment natin,pero ewan ko kung bat yan nakapunta dito."
sagot ko naman.
"Palayasin mo aba! Mamaya ma-rape pa ako."
NOTE: Seryoso nyang sinabi yan.
"Minsan pala,may pagkafeelingera ka din Cess.*booog* A-aray! Hahahaha.Masakit yung sapatos ha!"
"Palayasin mo nalang kasi!"
Niyakap nya pa yung sarili nya,nakatwalya lang kasi eh.
"Osige.Papalayasin ko? Pero wag kang makokonsensya pag may nangyaring masama dito dahil LASING SYA ha?"
Inemphasize ko talaga yung LASING para dama nya :D
"Aish.Akala ko naman pizza na,natatakam na tuloy ako."
"Masarap din naman 'tong isang 'to ah?"
"Yuck.Hahaha.Nakakadiri ka Queen! Dyan ka na nga,alagaan mo yang KENT MO."
At saka na sya pumasok sa kwarto namin.
Inalalayan ko naman si My Kent na mahiga sa sofa.
"Geez.*tingin sa relo* 6:00 am palang My Kent,bat ka naman nagpalasing ng ganto?"
