CHAPTER NINETEEN: I'm sorry and I love you

4 0 0
                                    

CHAPTER NINETEEN: I'm sorry and I love you

"Bat kaya hindi ka nauubusan ng problema no? Kaya lalo kang nahahaggard e."

Astig talaga magcomfort si Cess -___- Kinwento ko kasi sa kanya yung nangyari kanina. At ayan,yan ang comment nya.

"Nakakatulong Princess."

sarcastic kong sabi sa kanya.

"E anong gusto mong sabihin o gawin ko? Tawanan ka dahil dun? Mas lalong hindi makakatulong yun. At alam mo kesa problemahin mo yung hinayupak na yun,tumayo ka dyan at wala ka pang nagagawa dito sa activity na 'to."

Nagsimula na kasi yung pagiging 'tour guide' namin at ako nakaupo lang dito at nakapangalumbaba. Buti nalang talaga medyo malayo yung pwesto namin sa pwesto nila My Kent.

"E. Ayoko. Kayo na bahala dyan."

"Ewan ko sayo."

Nagtuloy-tuloy lang si Cess na makipag-usap sa mga poreynjer na nagtatanong kung san banda ang ganito ganyan.

"Uh,miss? Can you help me?"

Nakakunot noo ko namang tinignan yung nagtatanong.

Pansin ko lang,ang hilig magkunot noo ng mga nakakasama ko no? Pati na din ako. Hahaha,K. Napansin ko lang naman e.

"Wala akong panahon sa biruan Chavez."

Seryoso kong sabi. Aba,minsan lang ako magseryoso damahin na nila.

"Hindi naman ako nakikipagbiruan Dela Cruz."

Inirapan ko lang sya at saka tumungo sa lamesa.

"Come on Queen. Maki-ride ka naman."

Umalis ako sa pagkakayuko at saka tumayo at pinantayan sya.

"Pano kita matutulungan Sir?"

sarcastic kong tanong. Nagsmirk lang sya dahil dun.

Psh. Pang-asar ever.

"Sorry? I don't understand you."

Pang-asar nyang sabi.

"Pilipino ka,hindi ka poreynjer. *irap*"

Still sarcastic.

"Okay,okay. Ts. Saang way ba para makapunta sa Wright Park?"

"May mga sign dyan na nakalagay para malaman mo kung pano pumunta dun SIR. Kaya kung yan lang ang kailangan mo,pwede ka nang pumunta sa Wright Park SIR. THANKYOU for asking."

Still sarcastic.

"Meron pa 'kong tanong."

"Ano na naman ba?"

"Pwede mo ba 'kong samahan sa Wright Park? Baka kasi maligaw pa 'ko e."

Kairita din pala kapag nakakasama mo na Crush mo. -_-

"Kapag naligaw ka,matutuwa pa 'ko."

"Come on Queen,don't act like that. Samahan mo na 'ko."

"Pwede ba Kent? Tigilan na. Sinakyan ko yang trip mo para tumigil ka,kaya kung pwede lang bumalik ka na dun sa pwesto nyo at gawin mo nalang yung activity okay?"

Nakakatawa lang isipin na,sya naman ngayon yung pinagtatabuyan ko at sinusungitan. Hahaha! Em shew prewd ov meyself :">

"Sige,ganito nalang. Sumama ka sakin ngayon at kapag wala pa ding nangyari sa Wright Park,titigilan na kita at babawiin ko nalang din yung sinabi ko tungkol sa 'boyfriend'."

Queen Of FrustrationsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon