CHAPTER EIGHTEEN: LQ?
Matapos yung 'state of shock' thingy ko,pumasok na din ako sa loob. Since nakakain na din naman ako kala Chong este Lester,kakain ulit ako. Nagugutom e bakit ba.
Pagbukas na pagbukas ko ng takip ng kaldero sa lamesa,lamesa pa din ang bumungad sakin. Meaning,takip lang talaga sya na ang tinatakpan ay lamesa. Bait din nila e -___-
Dumiretso ako sa ref para kumuha ng kung anong pwedeng kainin. Buti nalang may graham. Kinuha ko yung isang balot na graham tapos nagtimpla din ako ng juice at milo saka umupo.
Habang kumakain ako,bigla namang nagring phone ko. Alangan namang yung graham yung magring diba? Aish. *pukpok sa ulo* lagi ko nalang pinipilosopo sarili ko.
"Oh?"
bungad ko kay Cess habang sinasawsaw ko yung graham sa juice.
(Walang balak umakyat at matulog?)
"Sabihin mo nalang kasi kung miss mo 'ko. Hahaha."
(Ewan ko sayo. Anyway,kanina nung wala kayo hindi na natuloy yung activity. Instead,nagkwento si Nanay Lucy about dito sa Retreat House na tinutuluyan natin.)
Napahinto naman ako sa pagsawsaw ng graham sa milo dahil sa sinabi ni Cess. May balak pa ata na takutin ako.
"So?"
Tinuloy ko lang yung pag kain ko,no effect Cess. Psh. :D
(Dati palang sementeryo 'to.)
"Ay pucha!"
Nakainom na 'ko ng juice nang sabihin nya yun kaya nabuga ko din yung ininom ko.
(Hahahahahahahahahahahahahahahahahahahaha! Inom pa more.)
Tumingin naman ako sa hagdan at dun ko nakita ang bruha na tawa nang tawa habang nakaupo.
Inend ko nalang yung call saka sya inirapan. Walang magawa sa buhay. Lumapit naman sya sakin at saka tumabi,
"Patikim nga nitong kaweirdan na kinakain mo."
"Wala kang magawa sa buhay no? Lalo na kapag wala ako."
"Asa. Wag ka nga dyan. Nga pala,sorry ha."
"Para saan? *kain ng graham*"
"Yung mga nangyari sayo nung last na mga activity. Una,yung sa debate. Pangalawa,yung sa 'consequence' Pangatlo,yung kanina nga. Di manlang kita nagawang ipagtanggol pati icomfort nung umiyak ka dahil sa debate."
Aww. Sabi naman sa inyo sweet si Cess,hindi lang halata. :">
"Ahhhh. Natatats naman ako Princess San. Okay lang yun no,tapos na naman e :)"
Hinug ko sya ng ilang minutes tapos nagbatukan din kami pagkatapos.
"Nga pala,magkwento ka sakin tungkol sa mga nangyari sa inyo ni Kent MO nun daliiii. Hanggang dyan sa 'stranger'"
Kinwento ko naman sa kanya lahat lahat. Syempre hindi nawala yung violent reaction nya. Hahahaha! Sadista yun magreact e,kailangan may kasamang hampas o suntok o kahit ano. Nakwento ko din sa kanya yung nangyari sa tuhod ko,ayun nabatukan na naman ako at nanggigil na naman kay My Kent.Mga bandang 1 na natapos yung kwentuhan namin,pero si Cess na yung naunang umakyat kasi pinaligpit pa sakin 'tong pinagkainan namin -_-
Habang naghuhugas ako ng mga baso,nagulat naman ako kasi biglang may sumitsit. Napakunot noo ko at saka lumingon sa likod. Nang makita ko kung sino,inirapan ko nalang.