CHAPTER EIGHT: The Makeyd & Me
"Queen,papasok ka na ba ngayon? Tatlong araw ka nang hindi pumapasok." tanong sakin ni Cess habang nakataklob ako ng kumot.Magmula nung nangyari sa Canteen,hindi na ako pumasok ng sunod-sunod na araw.Wala pa 'kong panahon humarap sa mga bwiset na yon.
Umiling lang ako kay Cess.Siguro naman makikita nya yon kahit nakakumot pa 'ko.
"Hays.Gusto ka nilang makausap.Nasa labas sila."
Tinanggal ko kagad yung kumot ko matapos nung sinabi ni Cess.
"Sinong sila?"
"Yung MaKeYd."
Sabi na nga ba eh.Tsk.
Ano naman kayang ginagawa nung mga yon dito?
"Dapat di mo pinapasok."
"Di ko naman talaga pinapasok eh.Nasa labas nga diba?"
"Linawin mo kasi.Tsk.Sabihin mo tulog ako.Umalis na sila."
Kahit gustong-gusto ko silang kausapin,ayoko.Kung kailan nasaktan na 'ko saka sila pupunta-punta dito? Utot nila.Mabaho.
"Kanina pa kaya silang 4:30am sa labas -_- Katok nang katok,di daw sila aalis dun pag hindi ka nakausap."
"Pabayae mo."
"Queen,ako yung naiistorbo -_- 7:30 na oh.8 ang klase,di pa din ako nakakapag-ayos dahil sa kanila."
*tok tok tok tok tok tok tok*
Tumingin sakin si Cess matapos marinig yung sunod-sunod na katok na yon.
"See? Labasin mo na nga."
Wala na 'kong nagawa kundi labasin sila.Nakakaistorbo nga.
"Oh,anong ginagawa nyo dito? Can't you see? Natutulog ako tapos si Cess papasok.Ayan! Hindi pa tuloy sya nakakapag-ayos dahil sa kakakatok nyo! Wala akong panahon para makipag-usap sa inyo,okay? Umalis na kayo!"
Bungad ko sa kanilang tatlo pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto.
Napanganga nalang sila habang iniscan ang katawan ko head to toe.
Mga bastusin lang den eh noh?
"Ano ba?! Mang-iistorbo kayo tapos ganyan lang ang gagawin nyo? Umalis na nga lang kayo!"
Pero wala pa din silang response -_-
"Hello?! Bat ayaw nyong magsalita?"
"QUEEN! Saraduhan mo nalang kaya ng pinto kung hindi nagsasalita!"
rinig kong sigaw ni Cess.Isasarado ko na sana yung pinto kaso pinigilan nilang tatlo.
"Q-queen..K-kasi..A-ano eh..Y-yung."
"Ano ba My Kent?! Hindi ako nakikipagbiruan! Ano ba yon?"
inis kong sigaw na naman.
"U-hm..Ano..Yung ano mo.."
"Isa ka pa Lhoyd! Oh,ikaw Mario?Sasabihin mo ba o sasaraduhan ko kayo?"
"Bunganga ka dyan nang bunganga,di mo pinapansin yang suot mo."
buti naman at matinong kausap 'tong si Mario.Napatingin naman ako sa suot ko,anong problema dito?
"Oh.Anong problema sa *tingin sa suot* suot ko?!!!!!! *tingin ulit* *tingin sa kanila* *tingin sa suot* AHHHHHHH!!"
Napatakbo ako sa loob ng kwarto namin dahil sa kahihiyan ko.Shit shit shit! Ang tanga tanga ko talaga!
*bog bog bog bog bog*
![](https://img.wattpad.com/cover/14740004-288-k340085.jpg)