CHAPTER THREE: With him *kilig*
"Next na lilinisin mo ay sa Nursing department.Bilisan mo daw dyan sabi ni Mrs.Sal."
Pang 10 sabi na sakin nitong secretary ni Mrs.Sal -_- Jusko.Baka nahawa na din ito sa kasaltekan ni Ma'am?
Anyway,nagsimula na ngayon ang paglilinis ko ng Cr -_- Ang sama lang talaga nitong nangyari sakin ngayon huhu.Tuesday ngayon,eh 1week ang suspension so hanggang monday pa akong maglilinis?! Jusko naman.
"Pang-ilang cubicle ko na ba 'to? Hmm.1,2,3&4! Last na 'to at makakalipat na akong Cr! Wooohoooo."
*boooogsh*
"Aray ko."
Bwiset.Bat kasi ako sumayaw-sayaw pa? Ayan nadulas pa tuloy -_-
Nagsimula na akong magkuskos ng dingding nitong Cubicle.Mamaya na yung bowl,masyadong iwiiiiii.
"Hmmm.Lalalala ~"
Pakanta-kanta pa ako habang nagkukuskos nang may marinig akong pumasok.
"Shet lang girl.Ang sarap sarap nya talaga!"
"OMG! Really? Shems.Buti ka pa natikman si Papa Kent!"
We-wait,Sinong Kent kaya ang pinag-uusapan nitong dalawang babaitang ito?Lumapit-lapit ako ng konti para makita ko sila at marinig mabuti.
"Nako girl,wag mo nang tangkaing agawin sakin yun.Pag ginawa mo yun,magkakalimutan tayo."
"Syempre naman hindi ko aagawin sayo si Kent Chavez noh.Suportahan nalang kita! Hahaha."
Waaaah.Si My Kent pala ang pinag-uusapan nila!!!! Teka, "Shet lang girl.Ang sarap sarap nya talaga!"
"WAAAAAAAAAH!!!!"
*Silence*
"G-girl,narinig mo yun?! Parang dito lang yun galing eh.S-shet,may m-multo ata d-dito girl!"
"AHHHHHH!"
*BLAAAAAG!* tunog ng pinto.
Natikman na niya si My Kent! T.T This can't beeeeee! Huhu.Ako dapat ang first eh.Huhu.
"Miss Dela Cruz!"
Narinig kong tawag sakin o sigaw?
Lumabas naman ako ng cubicle matapos marinig yun.
Shet! Si Ma'am Sal.
"Bakit Ma'am?" tanong ko.
"May binalita sakin na may sumigaw daw dito.Akala nila multo ka,bat hindi ka kasi lumabas? Ayan,natakot pa tuloy ang mga istudyanteng ito.Tatanungin kita,anong favorite mong color?"
Ito na naman po sya T_T Nakakaiyak naman si Ma'am Sal.Huhu.
Yung dalawang babaita naman,napakunot nalang ng noo.Bat kasi dito pa sila nagsumbong? Mga shunga.
"Busy po kasi akong naglilinis dito tapos hindi ko sinasadya na madulas ako kaya ako napasigaw Ma'am."
Alangan namang sagutin ko yung tanong nya? Jusko day.
"Bat ang layo ng sagot mo sa tanong ko? Ang tanong ko,kung anong inulam mo kanina? Hay nako.Lalo lang sumasakit ang ulo ko sayong bata ka.Bilisan mo na nga lang maglinis dyan! Wag ka nang mananakot ha."
Sabay alis nila.
"Woooh.Mas lalong sumasakit ang ulo ko sayo Ma'am Sal."
Nasabi ko nalang at saka pinagpatuloy ang paglilinis.
