CHAPTER SEVEN: First Frustration

8 0 0
                                    

CHAPTER SEVEN: First Frustration

*Calling .. Princess* *answered*

(Hello?! Nasan ka bang babae ka?! Kanina pa ako dito paikot-ikot sa Mall pero di kita makita! Leche ha.Imbis na maGV ako sa pag-aya mo sakin dito sa Mall,lalo lang akong nabadtrip!)

Bungad ko kay Princess.

Aba dapat lang! Kanina pa 'ko dito paikot-ikot heller? Iniwanan ko lang yung bwiset na Lhoyd na yon! Nakakasakit na talaga sila sobra.

(Easy,easy.Puntahan mo 'ko dito sa Greenwich.)

*End Call*

Dumiretso agad ako sa Greenwich pagkaEnd Call ko.Hoooooo! Nakaka high blood.

@GREENWICH

*batok*

"Aray naman.Gandang bungad ha?"

"Gaga ka kasi! Sakin mo na naman iniwanan yung babayaran tapos di mo pa sinasagot yung texts&calls ko! Nakakabwiset kaya.Isama pa yung g@gong Lhoyd Yen na yon! Potek.Super duper high blood!"

"Ano ba Queen.Hinaan mo naman yang bunganga mo.Pinagtitinginan na tayo oh." bulong nya sakin.

Bat ko hihinaan? Kailangan malabas ko 'to.Nakakabadtrip eh.Seryoso mode naman ako ngayon.

May naramdaman akong tumulong tubig galing sa mata ko.I guess,luha ko na yun.

"*sobs* Ang sakit lang kasi Cess.Masyado na ba akong childish para gawing uto-uto lang? Masyado na bang sumobra ang kaFeelingan ko para sabihan lang ng kung anu-ano? Masyado na ba akong *sobs* loka-loka para hindi seryosohin? Hindi naman kasi porket GANTO ako,eh hindi na 'ko nasasaktan."

"H-huy Queen.Tara nga,wag ka ditong mag-iskandalo." aya nya sakin pero di ako nagpahila.

"Bakit,nakakahiya ba? Nakakahiya ba akong kasama Cess? Ako ba yung tipo ng babaeng *sobs* basta basta lang? Basta basta lang naloloko? Nauuto? Ganun ba? Cess,masakit."

Pagkatapos ko yan sabihin,tumakbo ako papalabas ng mall.Napansin ko,nakakahiya nga mag-iskandalo sa mall.

@APARTMENT

Dahil sa na kay Princess yung susi,umupo nalang muna ako sa tapat ng pinto namin.Di parin pala tumitigil ang pag-agos ng luha ko.

"Sana nga,matulungan ko din sarili kong magbago.Kaso,mahirap eh.Kung ganito ako,madaming naiinis sakin.Pag nagbago naman ako,madaming magtataka pero maiinis pa din.Di ko na alam kung saan ako lulugar.Bwiset."

Ganito talaga ako pag nasasaktan.Kinakausap ko sarili ko.

Habang nakatungo ako,nakita kong may pumasok sa gate.Medyo tinaasan ko pa yung ulo ko konti para malaman ko kung sino.

Nung nakita ko na,parang gusto ko nalang yumuko ulit T.T

Ano bang date ngayon? Ang malas malas naman ng araw ko oh oh.Ano bang kasalanan ko?

"You're a great kisser,babe."

rinig kong sabi ni My Kent sa kasama nya.Hindi ko naman pwedeng sabihing 'Girlfriend nya' kasi hanggang fling fling lang yan.Bat kaya ako ayaw nyang landiin?

At,oo.Naghahalikan lang naman kasi sila sa tapat ng pinto habang binubuksan ni My Kent yung pintuan.Kaimbyerna!

"Queen!" yumuko nalang ulit ako nung makita kong patakbo dito si Cess.

"Buksan mo nalang yung pinto para makapagpahinga na 'ko."

seryoso kong sabi sa kanya.

Pagkabukas naman nya,medyo napahiga ako.Ang tanga ko talaga T.T Nakasandal nga lang pala ako sa pinto.

Queen Of FrustrationsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon